MSG 5

335 8 1
                                    

“Advice is what we ask for when we already know the answer, but wish we didn't.” ― Erica Jong

------------------------------------------

“Wow, Summer! Ang ganda, bagay sa’yo!”

Lumabas ng kwarto si Summer, suot suot ang gown n’yang kakapadala lang sa bahay nila Risa. Simpleng kulay gold na gown, tube siya at medyo palobo yung skirt nito. May belt na may bulaklak sa gilid at may kakaunting glitters ito.

Nahihiya pa ngang lumabas nung una si Summer para ipakita sakanila ‘yung gown.  Oo, maganda ‘yung gown at alam ni Summer ‘yun. Pero natatakot siyang baka hindi nila ito magustuhan pag suot na ito ni Summer, kaya naman hindi niya malaman kung ano ang itsura ng mga tao ngayon na nakatingin sakanya. Nagustuhan ba nila o hindi?

“The gown fits you really well, Summer. You look wonderful.” ngiting sabi ni Evan at maski siya ay napangiti na rin.

“Oo nga, Summer. Ang ganda mo,” pag sang-ayon naman ni Kamille, “Nako. Lalo na pag na-make up-an ka na tapos naayusan ng buhok.”

“Nah. I think she’s prettier without any make up on. Right?”

Napakamot sa ulo si Kamille. Naiinis nanaman siya dahil nagi-english nanaman ang kapatid niya. Hindi naman sa hindi siya nakakaintindi ng wikang ingles, naiinis lang siya sa accent ng kapatid pag nagi-english ito. Naghalo kasi ang accent ng iba’t ibang bansang napuntahan niya.

Inikot ni Evan ang mata niya sa mga tao sa bahay nila―kay Risa, Kamille, Yaya Choleng at sa bading na nagsukat at nagdala ng gown dito sa bahay nila. Wala siyang nakuhang sagot mula sakanila.

“Tignan mo, walang sumagot sa tanong mo. Pa’no hindi ka nila maintindihan,” naiiling na sabi ni Kamille, “May natural beauty na si Summer so okay na siguro sakanya kahit light make up lang. The simplier, the better, ika nga nila.”

Umalis na si Kamille at nagtungo sa kabilang kwarto para siya naman ang magsukat ng gown niya. Ilang beses man siyang pinigilan ni Risa dahil malas daw ‘yon, hindi siya nakinig. Hindi raw malaman ni Kamille kung anong konek ng pagsusukat ng gown, sa pagkakaroon ng malas sa kasal. Pagtapos ng matagal na pagtatalo, si Kamille pa rin naman ang nasunod. Sadyang mapamahiin lang talaga ang nanay nilang si Risa.

Si Summer naman ay nagtungo sa isa pang kwarto para hubarin na ang gown. Nararamdaman na kasi niyang pinagpapawisan na siya kahit na sobrang lamig naman sa kwarto dahil may aircon.

--

“I still think you’re prettier without any make up on.”

Natatawang bumaba si Summer ng truck dahil kanina pa paulit ulit na sinasabi ni Evan ‘yun.

“Hayaan mo na. Kung ‘yun ang gusto ng ate mo, okay na sa’kin ‘yun.” ngiting sabi ni Summer.

“Okay, but I still think―”

“Evan.” pagpigil ni Summer kay Evan at natawa nalang silang dalawa.

Nagsimula silang maglakad sa damuhan papunta sa puno kung sa’n sila naupo noong unang beses na dalhin ni Evan si Summer dito. Tumabi si Evan kay Summer, may nakasabit nanamang camera sa leeg niya pero wala siyang dalang notebook na maliit ngayon.

“Wala kang notebook na dala?”

Umiling si Evan, “Wala. Wala pa akong maisip na isulat e. Siguro pag-uwi ko, may masusulat na ako,” napatango nalang si Summer at agad siyang pinicturan ni Evan. Sinubukang kunin ni Summer ang camera pero nilayo ito ni Evan, “Why? You look beautiful in pictures.”

“No, Evan. You just take great pictures.”

Isinandal ni Summer ang ulo niya sa puno at saka pumikit, pinapakiramdaman niya ang hangin na dumadampi sa pisngi niya. Ilang segundo lang ay bigla nanaman niyang narinig ang pagtunog ng camera ni Evan. Pagdilat niya ay nakatutok nanaman ang camera sa mukha niya. Sinubukan itong kunin ni Summer pero agad na tumayo si Evan para tumakbo. Hindi nagpatalo si Summer at tumayo rin siya para habulin ang binata.

Medyo hirap habulin ni Summer si Evan dahil hindi naman sanay tumakbo si Summer at maiksi ang legs niya. Hindi siya katangkaran, siguro ay hindi siya lalagpas sa tenga ni Evan pag pinagtabi sila. Ito nanaman si Summer, masaya nanaman siya. Hindi niya malaman minsan kung dapat niya bang ikatuwa ang pagbabago niya o kung dapat ba siyang matakot.

Tumigil si Summer sa pagtakbo at hinabol ang hininga niya. Ang bilis niya talagang mapagod nitong mga nakaraang araw.

--

Naka-upo si Summer sa gilid ng kama niya habang hawak ang phone niya. Ngayon nalang ulit niya ito nahawakan at ngayon ay bubuksan na niya ito, at handa na siya sa kung ano mang mga mensahe ang bubungad sakanya. Ilang Segundo pagtapos mabuksan ang phone ni Summer, sunod sunod ang pag-vibrate nito. Isa isang nagdatingan ang mga texts.

Sandali niya itong tinignan, napapaisip kung tama bang binuksan niya pa ang cellphone. Nagdadalawang isip din siya kung babasahin niya ba ang mga text o papatayin nalang ito ulit. Napahinga siya ng malalim, nagdadalawang isip man, binuksan niya ang inbox niya. Sandamakmak na texts galing sa mga kaibigan niya, pinsan niya, tito’t tita ang una niyang nakita.

‘Summer, everything’s going to be okay.’

‘Summer, nandito lang kami para sa’yo. Smile.’

‘Summer, you’re a strong person. Kaya mo ‘to. Malalagpasan mo rin ‘to.’

‘Anak, your Mom and I are worried about you. Nasa’n ka na ba?’

‘Anak, umuwi ka na please.’

‘Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka rin.’

Iba’t ibang text pero iisa lang naman ang ipinaparating. Iisa lang naman ang ibig sabihin. Ano bang dapat maramdaman ni Summer? Matuwa kasi may nag-aalala sakanya? O magmukmok sa isang tabi at umiyak? Dahil sa mga laman nung text na ‘yon, parang ipinapaalala lang sakanya na hindi talaga siya okay. Na ang pagiging okay niya ay isa lamang palabas.

Binuksan niya ang isang text galing sa Mama niya at naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang mabasa ang laman nito:

‘Nasa probinsya ka raw. Why do we need to know from other people, Summer? Babyahe kami mamayang gabi ng Papa mo papunta d’yan. You’re going home whether you like it or not.’

Agad na tinignan ni Summer kung kailangan napadala ang text na ‘yon―kahapon. Ibig sabihin―

“Summer, lumabas ka. Nandito ang Mama’t Papa mo.”

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon