“Most people do not really want freedom, because freedom involves responsibility, and most people are frightened of responsibility.” ― Sigmund Freud
------------------------------------------
Unti unting idinilat ni Summer ang mga mata niya, kasabay ng pakikinig niya sa mga pamilyar na boses na naka-paligid sakanya. Sinubukan niyang galawin ang daliri niya hanggang sa makakuha siya ng lakas para sa buong katawan niya.
Pagkadilat ni Summer ay agad din siyang napapikit dahil sa nakaka-silaw na ilaw na bumungad sakanya. Simpleng ilaw lang naman ito sa kisame ng kwarto pero para bang unang beses makakita ng ilaw ng mga mata niya sa sobrang sakit. Nang masanay ang mata niya sa ilaw, inikot niya ang tingin niya sa paligid niya―puti. Puro puti ang nakikita niya. Pamilyar na kay Summer ang kwartong ito dahil ito ang iniiwasan niyang puntahan―ang ospital.
“What she experienced last night was a temperature swing. It’s either she experiences an excessive sweating or excessive chills,” napalunok lamang si Summer nang marinig iyon, pati ang paglunok niya ay sumakit ang lalamunan niya, “I also saw her enlarged tonsils. Joan, her sickness is slowly eating up her system. Symptoms are finally starting to show. It’s not getting any better.”
“A-anong pwede nating gawin, Doc? H-hindi na ba kayang pagalingin ang anak ko?”
“Kaya pa,” tumingin si Dr. Tiongson kay Summer, “Just consider my suggestion. We don’t have enough time; we have to act immediately if we still want her alive.”
Lumabas ng kwarto si Dr. Tiongson habang naiwang nakatayo ang Mama ni Summer. Agad na tumayo si Liana para lumapit sa Mama niya nang marinig niya ang biglang pag-hikbi nito. Sa couch naman ay tahimik na naka-upo si Evan habang naka-yuko, parang naghihintay ng isang mirakulo.
Naramdaman ni Summer ang pangingilid ng luha niya. Naaawa siya sa sarili niya at sa mga taong nandito ngayon sa kwarto para bantayan siya. Ito ang iniiwasan ni Summer―ang madamay pati ang mga taong mahahalaga sakanya. Gusto niyang siya lang ang makakaramdaman ng hirap na pinagdadaanan niya, gusto niya siya lang ang haharap nito. Siya lang ang may sakit, pero apektado ang buong pamilya niya, pati ang kaibigan niya. . . pati rin ang taong mahal niya.
Nang mapadaan ang mata ni Evan kay Summer ay saktong tumulo ang luha niya. Kita kay Evan ang kapaguran nito. Mukhang simula nang ma-ospital siya ay nando’n na si Evan sa tabi niya para mabantayan siya. Nawala kay Evan ang kislap ng kasiyahan na madalas mong makikita sa mga mata niya, napalitan ito ngayon ng mga nangingislap na namumuong luha.
“Summer,” nagmadaling lumapit si Evan sakanya at hinawakan ang kanyang kamay, “B-buti gumising ka na. Nag-alala ako.”
“Evan. . . ‘Wag kang umiyak, okay lang ako.”
Nawala ang ngiti sa mukha ni Summer nang umiling si Evan sakanya, “Magiging okay ka rin.”
Lumapit ang Mama ni Summer kay Evan at hinawakan ito sa balikat. Tumango lamang si Evan sakanya at saka sila lumabas ng kwarto ni Liana. Naiwan si Summer at ang Mama niya sa kwarto.
Naupo si Joan sa gilid ng kama ni Summer. Siya naman ngayon ang humawak ng mahigpit sa kamay ng anak. Malamig ang mga kamay nito, kapareho ng kamay niyang nanlalamig na rin.

BINABASA MO ANG
My Summer's Goodbye
Teen FictionNot all stories has its happy endings. But happy endings do exist... for others. Would this be one of the others?