“There are two types of people in the world: those who prefer to be sad among others, and those who prefer to be sad alone.” ― Nicole Krauss, The History of Love
------------------------------------------
“Huy, Summer!”
Kanina pa salita ng salita si Liana habang naglalakad silang dalawa ni Summer pauwi galing sa perya, pero napansin niyang kanina pa pala siyang mukhang tanga kakasalita dahil ang kausap naman niya ay halatang nasa ibang planeta ang utak.
“Summer! Hindi ka naman nakikinig sa'kin e!” sigaw ni Liana sa kaibigan, dahilan para mapabalik sa reyalidad si Summer.
“H-ha? Nakikinig ako. Sige na, mag-kwento ka lang.”
“Ano ba kasing iniisip mo? 'Wag mong sabihing―” napatakip ng bibig si Liana sa naisip. Mukhang nakuha naman ni Summer ang tinutukoy ng kaibigan kaya agad itong umiling.
“Hindi ko siya iniisip.”
Tinaasan lang ni Liana ng kanan niyang kilay si Summer. Napangiti ng nakakaloko si Liana saka umiiling na nagpatuloy sa paglalakad at iniwan si Summer na nakatayo. Hindi naniniwala si Liana na hindi iniisip ni Summer si Evan.
Nang makarating sila sa bahay, nagpaalam na si Summer at Liana sa isa't isa. Sinundan ni Summer ng tingin ang kaibigan hanggang sa makalayo ito. Pagpasok niya ng bahay, akala niya ay tulog na sila Tita Mina niya pero nagulat siyang makita na nasa sala pa ito ang nanunuod ng TV. Alas nueve na ng gabi at ang alam niya ay maagang natutulog ang mga tao rito sa probinsya.
“Summer, nand’yan ka na pala,” bungad ni Mina sakanya, “Kumain ka na ba? May tirang ulam diyan. Nagluto ang Lola Rose mo kanina.”
“Hindi po ako nagugutom, Tita.”
“O sige. Ano, masaya ba sa perya?”
Napangiti nalang si Summer nang maalala niya ang nangyari sa perya. Ilang minuto rin ata siyang nag-ikot sa perya para lang hanapin si Liana pero iba ang nahanap niya. Nung makabangga niya ang mestizong 'yon, para bang nakalimutan niyang nagmamadali siya at na hinahanap niya ang kaibigan niya.
“Opo, Tita. Pwede po bang bumalik bukas?”
“Oo naman. Lubusin mo na habang nandito ka.” ngiting sabi ng Tita Mina niya.
Buong gabi, hindi matigilan ni Summer ang kakaisip sa lalaking nakabangga niya sa perya. Maski siya ay nawi-weirduhan na sa sarili niya. Ngayon lang siya naging ganito at parang napaka-imposible pa na maya't maya niyang iniisip ang taong kanina lang naman niya nakilala. Ni hindi pa nga sila nagkausap, ni hindi man lang nila nalaman ang pangalan ng isa't isa. Hindi pala talaga sila nagkakilala, nagkabungguan lang.
Habang naglalakad nga sila ni Liana kanina pauwi, gusto niyang tanungin ang kaibigan tungkol sa lalaking ‘yon. Mukha kasing kakilala ni Liana ang lalaki. Pero nahihiyang magtanong si Summer dahil baka kung anong isipin ng kaibigan niya sa pagtatanong niyang ‘yon.
Basta isa lang ang alam ni Summer. Bukas, babalik siya sa perya.

BINABASA MO ANG
My Summer's Goodbye
Teen FictionNot all stories has its happy endings. But happy endings do exist... for others. Would this be one of the others?