“To try is to risk failure. But risk must be taken because the greatest hazard of life is to risk nothing. The person who risks nothing does nothing, has nothing, and is nothing. He may avoid suffering and sorrow, but he simply cannot learn, feel, change, grow, live and love.” ― Leo Buscaglia
------------------------------------------
6 Years Later. . .
“’Yun na ‘yun, Kuya Evan? The end na?”
Tinignan ni Evan ang anim na taong gulang na pamangkin na ngayon ay nakakandong sakanya rito sa ilalim ng puno sa bakuran ng bahay nila. Kakatapos lang kasing basahan ni Evan ng isang libro ang pamangkin.
Ngumiti si Evan at tumango.
“Pero bakit hindi happy ending?”
“Happy naman ‘yun ah.”
“Namatay si Summer. Pa’no naging happy ending ‘yon?” nagtatakang tanong ni EJ.
“Wala namang sinabing namatay si Summer ah?”
“Kulang ‘yung papel ng libro? Walang ending.”
Ginulo ni Evan ang buhok ni EJ, “Pwede ba namang wala? ‘Yun na nga ‘yung ending.”
“E bakit nga gano’n ‘yung ending? Anong nangyari kay Summer? Namatay ba siya o naligtas ng mga doctor?”
“Secret.” ngiting sabi ni Evan sa pamangkin.
“Kuya Evan naman e!”
Nagsimulang asarin ni Evan ang pamangkin at si EJ naman ay sumisimangot lang. Gustong gusto niyang malaman ang ending nung istorya pero ayaw sabihin ng Tito Evan niya. Maya maya pa’y lumabas si Kamille mula sa bahay at nagmadali namang lumapit si EJ para mag-sumbong.
“Mama, inaasar ako ni Kuya Evan.”
“Hayaan mo na ‘yang Kuya Evan mo, baliw ‘yan e. May cake sa loob, anak, kumain ka muna no’n. Hindi natin bibigyan si Kuya Evan mo.”
Lumabas ang malapad na ngiti ni EJ saka tumango ng mabilis. Agad itong pumasok sa loob ng bahay. Si Kamille ay lumapit sa kapatid na naka-upo sa puno tapos ay tinabihan ito.
“Iniispoil mo ‘yang anak mo kaya ganyan.”
“Ano bang pake mo.”
Ilang taon na ang lumipas pero wala pa ring pagbabago ang magkapatid. Kahit na may asawa’t anak na si Kamille, para pa rin siyang bata kung makipag-away kay Evan. Sa bahay kasi niya pansamantalang tumutuloy muna si Evan at kung minsan ay si Evan din ang nag-aalaga kay EJ pag pumapasok sa trabaho ang mag-asawa.
Kinuha ni Kamille ang librong nakalapag sa gilid ni Evan. ‘Yung librong binabasa kanina ni Evan para kay EJ. Kulay orange ang buong cover nito, tapos sa harap ay may drawing ng isang babaeng naka-upo sa ilalim ng punong may kulay dilaw at orange na mga dahon. May araw na sumisilip sa mga bukirin sa likod niya.
Tinignan ni Kamille ang kapatid na tahimik na nakatingin sa kawalan. Ibinalik niya ang libro sa gilid nito.

BINABASA MO ANG
My Summer's Goodbye
Teen FictionNot all stories has its happy endings. But happy endings do exist... for others. Would this be one of the others?