Chapter 13 The Other Side

2.8K 132 6
                                    

Chapter 13
The Other Side

Andrei's POV

"Hoy! Anong ginagawa niyong dalawa diyan?" nagising ako dahil sa  sigaw ng guard sa labas. Yes. Makakalabas na rin kami.

Tatayo na sana ako pero may naramdaman akong mabigat sa balikat ko. Oo nga pala.

***Flashback***

"Good Night Samantha. Dream of me" bulong ko bago siya pumikit. Hinawakan ko yung ulo niya at sinandal sa balikat ko. Pinatong ko naman yung ulo ko sa ulo niya. Ang sweet namin tignan. Wait what?!

What am i talking about?! Tsk. Nababaliw na ako.

*** End of Flashback***

At ito pa, di talaga ako nakulong dito. Haha. Sinadya kong malockan dito para makasama siya.

Ginising ko na siya at lumabas na kami. Tinanong kami ng guard pero ang sabi lang ni Samantha ay nalockan kami kaya ganun.

Umuwi na ako sa bahay at naligo. May 2 hours pa naman bago magsimula ang klase.

Samantha's POV

Wahh!! Inaantok pa ako! ╥﹏╥

"Anak, kumain ka na't pumasok" sabi ni mommy pagkauwi ko. Naikwento ko na rin sa kanya yung nangyari. Di naman siya nagalit.

"Opo mommy" tumayo na ako sa sofa at pumunta sa kusina. Nasa pintuan pa lang ako nang lumabas si manang na may dalang juice at.. At..

At natapon ito sakin!!@_@

"S-sorry iha" tumango lang ako at ngumiti.

May naalala tuloy ako ╥﹏╥

***Flashback***

10 years ago...

Nandito kami sa garden ni best friend. Drei ang tawag ko sa kanya. At Tha naman ang tawag niya sakin :)

"Iho't iha. Narito na ang miryenda niyo. Halina't kayo" sabi ni manang. Tumayo na kami at pumunta sa kanya.

"Tha, tara na. Kain na daw muna tayo :) " yaya ni drei. Tumango na lang ako at ayun, pumunta na kami kay manang.

Pagkadating namin dun, naglalagay ng juice si manang sa baso. Umupo kami sa upuan at kumain.

"Eto oh juice, iho't iha" sabay abot samin ng juice. At dahil dalawa kaming inaabutan niya, gamit ang kaliwa at kanan niyang kamay,at may pagkamatanda na rin siya ay natapon yung isa. Which is yung kay drei.

"Sorry Andrei, pasensya na. " paghingi ng tawad ni drei. Andrei ang tawag sa kanya nang iba dahil gusto niya, ako lang tatawag sa kanya ng Drei at ganun din sakin.

"Okay lang po manang"sabi niya at ngumiti. Ang cute niya talaga. May dimple kasi siya na maliit. Hihihi

"Oh? Paano ba yan Tha, uwi muna ako ah? Magpapalit lang ako" sabi niya.

"Sige" pagkasabi niya nun ay lumapit siya sakin at humalik sa pisngi ko @_@

***end of flashback***

Hays. Andrei daw? Sabi ni manang? Di naman siguro si andrei Santiago yun diba? Kasi masungit yun at cold. Si Drei, madaldal at mabait. ^_^ pero nung umalis siya sa bahay, di na siya bumalik. Yun na yung huli naming pagkikita. ╥﹏╥

Andrei's POV

"Sorry Sir. "damn it. Pangalawang beses na itong natapunan ako ng kape or juice. Tsk.

Ayoko pa naman ng ganun kasi may naaalala ako. At... Nalulungkot. Tss. Wag na nga nating pag usapan yun.

Tumalikod na ako at naglakad papuntang pinto. Pero tumigil ako at binanggit ang mga katagang,

"You're fired"

**********

Thanks for reading!

Vote is highly appreciated. And para rin po ganahan ako sa paggawa :-)

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon