Chapter 33 Sisters

2K 91 4
                                    

Chapter 33
Sisters

Samantha's POV

It's been two days when I kidnapped. And until now, nandito pa rin ako.

Pinapahirapan nila ako. Laging sinasaktan, at di pinapakain sa tamang oras. Maswerte pa nga siguro ako na sinikatan pa ako ng araw ngayon.

Nakaupo ako sa upuan habang nakatali ng katawan ko sa mga ito. Pinilit kong galawin yung kamay ko para matanggal ang pagkakakadena pero di ako nagtagumpay.

Tinignan ko yung paligid ko. May nakikita akong silaw ng araw galing sa dulo ng kwarto. May bintana doon.

Tinignan ko kung nasaan ako. Nasa resort pa rin naman ako.

Hays. Iniisip kaya nila ako? Nag aalala ba sila na nakidnap ako? Makakawala pa ba ako dito katulad ng nangyari sakin nang una? May magliligtas kaya sakin?

Eekkkkkkkk.....

Tumingin ako sa pinto nang makitang marahan itong binubuksan.

Siguradong bumalik sila Rin dito. Di na siguro sila makapag antay na patayin ako. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Mas mabuti sigurong mamatay ako ng di nararamdaman ang sakit.

Rin's POV

"Ano ba ate? Tigilan mo na ito!" sigaw na naman ng pakialamerang kapatid ko.

"You don't care!"

"Ate! Wala silang kasalanan! Pwede bang kalimu--" di ko na siya pinatuloy dahil alam ko kung saan mapupunta ang usapan.

"Shut up!" sigaw ko.

"Alam mo naman ang sakit na dinulot sakin nung araw na yon diba? Akala ko maiintindihan mo ako kasi kapatid mo ako..." sabi at nagsimula nang umiyak.

Nakita kong nabago ang reaksiyon niya.

"Ate Rin, 'di naman sa ganun. Mali rin kasi ang gimagawa mo. Wala namang may gusto nang nangyari. Masyado pa silang bata noon"

"Kahit na! Pagbalik baliktarin man ang mundo, sila pa rin ang dahilan!" sabi ko at umalis na roon.

Walang patutunguhan ang plano ko kung makikinig ako sa mabait kong kapatid.

Kailangan ko kaagad gumawa ng paraan bago pa niya ako maunahan.
JN7

Andrei's POV

"Wala pa rin bang balita? Two days na oh" sabi ko habang pabalik balik ang lakad. Mukha akong problemado.

"Nilibot na namin ang buong resort. Na check na rin namin ang mga rooms. Maliban sa abandoned na room sa lumang building. Mukha naman walang tao dun eh" sabi ni Ian. Gusto ko sanang matuwa kasi ang seryoso niya pala sa gantong bagay pero wala akong oras para sa ganyan ngayon.

"Baka wala siya dito sa resort" komento ni Mariel. May punto siya.

"Halika na't hanapin si Tha" sabi ko at tumayo sa inuupuan kong sofa.

"Bro, nahihibang ka na ba? Lilibutin mo itong buong lugar? Paano pag nasa ibang bansa pala siya dinala?" what the.

"Wala akong pake. Kahit libutin ko pa ang mundo, gagawin ko. Mahanap lang siya" seryoso kong sabi.

"No. Nasa resort lang si Samantha. Alam ko kung nasaan siya at kung sino ang nagpadukot sa kanya" sabi ni Rian.

Samantha's POV

"Oh? Tulog pa pala ang prinsesa" narinig kong boses sa harapan ko.

Pumikit ako ng mariin. Hindi niya dapat malaman na gising ako.

"Hmm? Bat nanginginig ang mga kamay mo? Uhh, siguro napapanigipan mo na ang mangyayari pagkagising mo" kahit di ko siya nakikita, alam kong nakangisi siya.

"Di na ako makapag antay. Baka maunahan na ako nang magaling kong kapatid" sabi niya na parang naiinis. "Carlo" tawag niya sa kung sinuman.

Naramdaman ko na lang na may humalik sa pisngi ko na siyang ikinagulat at ikinadilat ng mga mata ko.

"Napakagaling mo talaga, Carlo. At ngayon, gagawin ko na ang aking plano" nakangising sabi ni Rin habang papalapit sakin. Hinawakan niya ng mahigpit ang baril niya habang nakatutok sakin. Parang anytime ay handa na siyang kalabitin iyon.

"R-rin, maawa ka. Pakiusap" naiiyak kong sabi. Ngunit hindi siya nagpatinag.

"Maawa? Huh? Wala sa vocabulary ko yan" sigaw niya.

"Pakiusap..." nang makalapit siya sakin ay tinutok niya ang baril ko sa noo.

"Hinding hindi kita mapapatawad. Kayo" sabi niya.

Napapikit na lang ako nang balak na talagang kalabitin ang baril.

*Bllaaagggggggg*

Nakarinig ako ng malakas na tunog. Tinignan ko ang pinto. Nakatumba na ito at.... Nandun ang mga kaibigan ko.

"Tama na yan, Ate!" sigaw ni ----

"Rian?!"

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon