Chapter 35 Lies

2K 88 4
                                    

Chapter 35
Lies

Samantha's POV

"Hi sammy! Buti naman dinalaw mo na ako" nakangiting sabi ni Rian.

.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat ba akong maging masaya dahil buhay si Rian o malungkot dahil kahit na nakangiti siya, kita ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya?

.

"Sammy, hoy!" iwinagayway ni Rian ang kamay niya sa mukha ko kaya nabalik ako sa realidad.

.

"Bakit?" tanong ko.

.

Nga pala, 2 days na simula nung umuwi kami galing tagaytay. Pagkadating ni Rian dito, nagpagamot agad siya. Samantalang si Rin? Sa kulungan ang punta. Sa tagiliran natamaan si Rian. Di naman masyadong malalim pero masakit pa rin yun.

.

"Di ka naman nakikinig eh. Nga pala, asan si Ate Rin?" natahimik ako sa tanong na kanyang binitawan.

.

Di ko alam ang sasabihin. Ayokong malungkot si Rian kapag nalaman niya ang nangyari kay Rin ngunit ayaw ko rin magsinungaling.

.

"Teka? Kumain ka na ba? Bilhan kita gusto mo?" pag iiba ko ng usapan.

.

"Hindi na. Ayos lang" mabuti na lang at di na niya inopen ang topic na yun. Nagkwentuhan lang kami ni Rian hanggang sa nagpaalam na ako na uuwi.

.

Actually, ayoko pa talaga muna umuwi. Mula kasi nung umuwi kami ng tagaytay, nagkulong na lang ako sa kwarto. Kanila lang ako lumabas. Naboboring na rin ako sa bahay. Saan kaya pwede pumunta?

.

Ay! Oo nga pala, may park dito na malapit. Maliit lang yun. Naglakad na lang ako.

.

Pagdating ko dun, kakaunti na lang ang tao. Umupo ako sa bench at tumingin sa langit. Mukha pang uulan.

.

Hays. Naisip ko lang, bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Napakasama ko bang tao? Pero bakit kailangan madamay ang mga kaibigan ko?

.

*plak*

.

Tumayo na ako ng may pumatak na tubig galing langit sa braso ko. Aalis na sana ako kaso---

.

"Tha"

.

Aish. Isa pa ito eh! Pati siya nadadamay. Mas okay pa yung di na lang kami ulit nagkatagpo kung ganito lang ang mangyayari.

Di ko siya pinansin at naglakad na.

.

"Samantha" this time, napatigil na talaga ako. Tinawag niya akong Samantha. Ibig sabihin seryoso siya.

.

"What?" cold kong sabi.

.

" Are you okay? Why are you here?" seryoso niyang tanong pero halata sa boses ang pag aalala.

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon