Chapter 36 Mystery Guy

1.9K 83 1
                                    

Chapter 36
Mystery Guy

Samantha's POV

Nasa Comfort Room ako ng school, umiiyak. Ewan ko ba pero kapag nakikita kong malungkot si Drei, naiiyak ako.

.

Lumabas na ako nang nalabas ko na ang LAHAT ng lungkot ko. Di ako sigurado kung LAHAT nga ba.

.

Paglabas ko may nakita akong lalaki na nakahopd at nakasandal sa pader sa gilid ng CR. Di ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya at natatakpan ito ng mga buhok niya.

.

"Who are you? Bastos ka no?" kinakabahan kong tanong. Geez... Baka mangyari na naman sakin yung pagkidnap dati. Pero baka walang magligtas sakin.

.

"Here" sabay abot sakin ng panyo at umalis na.

.

Paano niya nalamang umiyak ako? Halata ba sa mukha ko o narinig niya ang mga hikbi ko kanina?

.

Di agad ako nakapagsalita kaya't di ko siya nagawang pasalamatan.

.

Pumunta na lang ako sa room.

*~•~*~•~*~•~*

Lunch...

.

Pumunta ako sa locker room para kunin yung P.E ko. Mapeh kasi ang class at itetrain ang Flexibility namin sa swimming.

.

Pagkakuha ko ng P.E, may biglang nahulog na papel. Kinuha ko ito at binuksan.

.

To: Sam <3

Wag ka nang umiyak. Ayaw kitang makitang malungkot. Always wear a smile, my princess <3

.

Ay? May pag heart?

.

Napangiti na lang ako. Kahit pala papaano, may secret admirer ako. Ang ganda ko talaga :-P

.

Kenneth's POV

Kailangan ko makita si Samantha. Baka siya lang ang makapigil kay Andrei.

.

Kanina kasi nakita si Andrei, nakikipagsuntukan! Di naman siya ganun. Siguradong may problema ang dalawang yun.

.

Pero, kapag minamalas ka nga naman oh. May nakabanggan akong nerd. -_-

.

"What the hell?!" sigaw nung babaeng nakabangga ko. Nahulog kasi ang mga libro na hawak niya.

.

"Sorry. I'm in hurry" sabi ko at tinulungan siyang kunin ang mga libro at umalis na.

.

"I'm Mikaella Gwen. And you are?" sigaw niya dahil medyo malayo na rin ako.

.

"Kenneth" sabi ko at ngumiti kahit di niya nakikita.

.

Ay! Pakshet! Hahanapin ko pa pala si Samantha! Bwiset na babaeng yun! BI!

Andrei's POV

Paksyet! Sino yung kausap ni Tha sa tapat ng CR? Ngumiti pa siya nung umalis yung lalaki! Damn! Di ba niya alam na lagi ko siyang sinusundan para lang masigurado na safe siya? Tapos eto siya? Nakikipaglandian? P*ta naman!

.

Umalis na lang ako doon at pumunta sa canteen. Ikakain ko na lang ito.

.

Kaya lang, pagpasok ko pa lang, may lalaking lalabas. Kaya yung dala niyang juice? At spaghetti? Natapon sa uniform ko.

.

Agad akong nairita. Kaya hinawakan ko ang kwelyo niya. Iniisip kong siya ang lalaking kausap ni Tha kanina.

.

"Damn you!" sigaw ko at sinuntok siya. Sinuntok niya rin ako.

.

"Walanghiya ka!" sigaw ko ulit at pinagsususuntok siya.

.

"Andrei, tama na yan!" sigaw ni kenneth pero di ako nagpaawat hanggang sa umalis siya. Siguro ay napagod na.

.

Nakakainis ka Samantha! Bakit mo ako ginaganito? Sino ang lalaking kasama mo? Siya ba ang ipinagpalit mo sakin? Siya ba talaga ang TOTOONG mahal mo? Samantalang ako, PEKE lang?

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon