Chapter 26 Confession

2.5K 129 13
                                    

Chapter 26
Confession

Samantha's POV

"Tha?"

Nagulat ako nang binanggit niya yan. Di kaya siya si Drei? Imposible. Pero sabi nila, nothing is impossible? Aish nalilito ako ╥﹏╥

"P-paano mo n-nalaman ang pangalang y-yan?" kinakabahan ako. Siya na ba? Siya na ba yung kaibigan kong matagal ko nang hinahanap?

"Ako 'to, Tha. Si Drei" nakangiting sabi ni Andrei. Naninibago ako.

"D-drei? " agad na ang tumulo yung luha ko. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.

Naalala ko yung panahong magkasama kami. Simula bata hanggang ngayon.

Nakakatuwa lang isipin na ang matagal ko nang hinahanap ay nasa harap ko lang pala. Lumingon pa ako para lang hanapin siya.

Naalala ko pa yung una naming pagkikita. Sa park. Dun rin kami nagkita nung bata kami. Pinagtatagpo ba talaga kami ng tadhana?

Kaya pala nung nakita ko siya, magaan agad akong loob ko sa kanya. Parang close na talaga kami. Dumamba pa ako sa likod niya. Piggy back ride, kumbaga.

Amg seryoso ng mukha niya. Hahaha. Di ko maisip na siya si drei na kaibigan ko. Ang layo ng ugali nila.

Pero bakit siya umalis? Bakit niya ako iniwan? Di ko maintindihan.

"B-bakit? Drei, bakit mo ko iniwan nang hindi ka nagpapaalam? Naghintay ako eh" sabi ko habang nakatingin sa nagtutubig niyang mga mata. Parang naiiyak siya.

"S-sorry... " bulong niya at yumuko. Doon na tumulo ang luha niya.

"Bakit Drei? Sagutin mo ako!" sigaw ko. Tumingin naman siya sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Gusto mo malaman?" tumango na lang ako.

Andrei's POV

"Gusto mo malaman?" seryoso kong tanong. Tumango naman siya. Bumuntong hininga muna ako bago magkwento.

***Flashback***

10 years ago...

Kumakain kami nila mommy at daddy ng almusal ngayon. Nang biglang nagsalita si Daddy.

"Andrei, anak. Diba gusto mong mag-aral sa Korea para makasama mo ang pinsan mo?" tanong ni Daddy. Tumango lang ako dahil di ako makapagsalita. Puno kasi ng hotdog yung bibig ko. Hehe.

"Matutupad mo na iyon anak" halos mabulunan ako sa sinabi ni Mommy.

Matutupad? Ibig sabihin, aalis ako dito sa pilipinas? Aalis ako sa tabi ni Tha? Pero pwede naman ako mag aral sa korea kapag malaki na ako ah? Grade 1 pa lang kaya ako. *pout*

"P-pero paano po si T-tha?" tanong ko matapos uminom ng tubig.

"Babalik naman tayo dito Andrei, anak" sabi ulit ni Mommy.

"Next month, aalis na tayo" deretsong sabi ni daddy.

Agad agad?

*~•~*~•~*~•~*

Nag spend ako ng time kasama si Tha. Hanggang sa dumating na nga yung araw na aalis kami.

Nandoon ako sa bahay nila. Naglalaro. Hanggang sa magyaya yung yaya nila na kumain muna. Natapunan ako nun ng juice. Kaya umuwi muna ako.

"Oh, buti nandito ka na. Halika na at aalis na tayo?" sabi ni Daddy.

What? Di pa ako nagpapaalam kay Tha.

"P-pero"

"Wala nang pero pero andrei. Magbihis ka na at sumakay sa kotse"

Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Kaya simula nun, naiinis ako kapag may natatapon na kung ano sa damit ko. Kasi naaalala ko ang katangahan ko. Na sa huling pagkakataon, di ako nakapagpaalam.

***End Of Flashback***

"Alam mo ba ang labis na pagpigil ko sa nararamdaman ko?" naiiyak niyang tanong. Nagtaka naman ako.

"Huh?"

"Andrei, pinipigilan ko ang nararamdaman ko sa iyo kasi may pinangakuan ako sa nakaraan. At ngayon, malalaman kong iisa lang pala kayo?"

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit na obvious na ang sagot. Gusto ko lang marinig mula sa kanya ang mga katagang iyon.

"Mahal kita, Andrei" at tuluyan na siyang napahagulgol.

"Mahal rin kita, Samantha"

**********
Oh my god! Kinikilig ako! May mabubuong loveteam. Ano kayang magandang ipangalan sa kanila? Suggest kayo. :)

Mag Vote rin and Comment! <3

Nasa multimedia ang itsura ni Andrei habang umiiyak. ;)

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon