Chapter 30
YesSamantha's POV
"Sam! Tara dun tayo sa malalim. Karera" nang-aasar na sabi ni Levy habang hinihila ako papuntang dagat.
"No! Ayoko!" palibhasa, alam niya yung nangyari sakin nung nalunod ako eh.
***Flashback***
2 years ago...
We're heading our way to Boracay. I'm with my parents and relatives. Of course, levy is one of them.
Nang makarating kami, agad akong nagbihis at lumangoy kasama si Levy.
"Karera tayo, sam"
Napagdesisyunan naming magpaunahan sa paglangoy sa dagat. Kailangan naming lumangoy papunta sa lalaki na medyo malayo samin. Siya ang magiging finish line.
Nagbilang si Levy. Nang sinabi na niya ang 'go', lumangoy na kami. Di ako magaling sa pagswimming pero nag aaral ako nito.
Nauuna si Levy sakin. Halos nasa kalahati pa lang kami. Binilisan ko ang paglangoy.
Sampung langoy na lang at maaabutan ko na siya. Inangat ko muna ang ulo ko para makakuha ng hangin. Medyo malalim na ang part na ito... Para sakin. Maliit kasi ako.*pout*
Malapit na ako sa kanya. Binilisan ko pa lalo ang paglangoy hanggang sa maabutan ko siya. Malapit na kasi sa finish line. Desperado na talaga akong manalo.
Nauuna na naman siya. Nakakainis. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mahabol siya.
Ugh. Nawawala ako sa konsentrasyon kaya nakainom ako ng tubig. Ang alat.
Lumangoy lang ako pero this time, ilong ko naman ang pinasukan ng tubig.
Malayo na si Levy. Kailangan ko siyang mahabol. Di ko na lang pinansin yung tubig na pumasok sakin. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglangoy.
"Ouch" daing ko. Parang sumakit yung paa ko.
Shit. Nakalimutan ko. Na sprain nga pala yung paa ko last week kasi nahulog ako sa hagdan namin. Hinahabol ko kasi si Tea. Yung aso ko. Sabi ng doctor, this week na daw siya gagaling. Di naman kasi ganun kataas ang pwesto ko. Nasa 7 hakbang lang siguro ng hagdan.
"A-aray..." lalong sumasakit. Nakakainom na rin ulit ako ng tubig.
"Levy!" pinilit kong sumigaw para marinig niya ako. Medyo malayo na rin kami sa pampang.
"Levy!!" sigaw ko ulit pero di niya ako narinig.
"Levy..." naibulong ko na lamang bago ako pumikit.
"Sam!!"
***End Of Flashback***
Yan yung dahilan. Siguro ay para sa inyo, ang baba lang niyan pero para sakin, trauma na yun. Kaya simula nun sa mababang part na lang ako lumalangoy. Yung hanggang tuhod lang :)
Pumunta muna ako sa cottage namin. Nakita kong nagluluto si Drei at Rian. Si Ian, nandun. Nakikipaglandian. Si Mariel, tahimik lang. Si kenneth, naka headset habang natutulog. Si Levy, nandun pa rin sa dagat habang tumatawa. Ayan ba ang epekto sa kanya nang pagtanggi ko? -__-
"Oh babe, andyan ka na pala. Maupo ka muna. Malapit na itong maluto" nakangising sabi ni Drei habang nag iihaw.
"Babe-in mo mukha mo. Di pa nga tayo at di pa ako pumapayag na ligawan mo" sabi ko at humalukipkip.
"Hindi pa?!" sigaw nila except samin ni Drei. Nandito na pala si Levy. Nangunguna yung boses. Tsk. Parang nagpalit kami ng ugali. Pansin niyo? Kung oo, great. Kung hindi, pakamatay na kayo. Joke lang *peace*
"Yeah" boring naming sagot ni Drei. Lumingon ako sa kanya.
"Can we talk?" seryoso kong sabi. This is it. Wala nang atrasan.
"Sure" sabi niya. Tumayo kami at naglakad lakad sa gilid ng dagat.
"About sa tanong mo---"
"Nah. It's okay. Di ako nagmamadali" nakangiting niyang sabi.
"No!" pagtanggi ko. Agad lumungkot yung mukha niya. Why?
"W-what?" naluluha niyang tanong.
"No! I mean,I must to say this. Not later, tommorow, next day,week, month or year but now. Yes Drei. You can court me" nakangiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold Prince meets Ms. Talkative
Teen FictionAndrei Santiago, also known as a Cold Prince meets Samantha Cortez, a talkative girl. What's the purpose of this? May dahilan kaya kung bakit sila nagkatagpo? O baka nama'y, nakatadhana sila sa isa't isa? Paano kung may naiwan sila sa nakaraan na...