Chapter 34 Accident But Deadly

2K 87 0
                                    

Chapter 34
Accident But Deadly

Samantha's POV

"Tama na yan, ate!" sigaw ni ----

"Rian?!" sabay naming sabi ni Rin. Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Ate?" naguguluhan kong tanong. Tumango naman si Rian samantalang inirapan lang ako ni Rin.

"Ikukwento ko sayo kapag kalabas natin dito" nakangiting sabi ni Rian.

"Kung makakalabas pa kayo" nakangising sabi ni Rin.

"Ano ba, ate? Nababaliw ka na talaga! Tigilan mo na 'to!" naiinis na sabi ni Rian sa ate niya.

"No way!" sigaw ni Rin at kinasa ulit ang baril niya.

"Tumigil ka na babae!" sigaw ni Mariel.

Natatakot ako. Baka kung ano ang mangyari sa kanila. Mas okay pang mamatay na lang ako kaysa madamay sila. Bakit kasi ang malas ko??

"Shut up!!" sigaw ni Rin at nagpaputok ng baril sa itaas. Napasigaw kami sa gulat. Nakakatakot siya. Talagang kaya niyang pumatay.

"At ikaw...." turo ni Rin sa kin. "Pati ikaw!" turo niya rin kay Drei.

"Mamamatay kayo!" sabi niya at tumawa ng malakas.

Rian's POV

"What the hell Ate Rin? Itigil mo na yang kabaliwan mo!" naiinis kong sabi.

Nag aalala ako para sa kanila Samantha at Andrei. Baka kung anong magawa ni Ate sa kanila. May possibility pang madamay sila Ian, Mariel at Kenneth.

Pero kahit ganyan... Mahal ko pa rin ang ate ko. Wala na kaming magulang. Si Daddy, namatay dahil sa Cancer. Dahil doon, nalungkot si Mommy at naghanap ng bagong pamilya. Wala rin kaming relatives na nagbalak tulungan kami.

Si Ate Rin na lang ang meron ako. Ayokong pati siya ay mawala. Pero dahil sa ginagawa niya, pwede siyang makulong na siyang dahilan para magkahiwalay kami.

"Ate, pakiusap..." naiiyak kong sabi. Nakita ko kung paano nagbago ang reaksiyon ni Ate Rin.

"Rian..." malungkot na sabi niya.

Andrei's POV

Nakita kong lumambot ang expression ng mukha ng kapatid ni Rian. Oras na!

Lumapit ako ng dahan dahan kay Samantha para di niya mahalata. Di ko alam kung anong kasalanan namin sa kanya pero alam kong mabigat yun. Di naman siguro siya magkakaganyan kung hindi diba?

"And where do you think you're going?"

Shit! Nakita niya ako. Lumingon ako ng dahan dahan sa kanya. Kahit na ang seryoso ng mukha ko, natatakot pa rin ako sa loob loob ko.

"A-ah---" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang--

*Bang*

Samantha's POV

Ang sakit!

Ang sakit makita na ang kaibigan mo ay nasa harapan mo ngayon... Duguan.

Gusto kong kumawala sa pagkakatali sa akin pero di ako makagalaw. Nanigas ako ngayon sa pwesto ko. Di ko na alam ang gagawin.

"Riannn!!!" sigaw nila.

Iba't ibang emosyon ang nakikita ko ngayon sa kanila. Lungkot, galit, pagkamuhi, at pagsisisi.

Si Ian, akap akap si Rian na duguan. Si Mariel, umiiyak ng tahimik. Si Kenneth, nakatingin ng masama kay Rin. Si Rin, nakatulala. Si Drei, napako sa kinatatayuan niya.

Napakabilis ng pangyayari. Babarilin sana ni Rin si Drei pero biglang humarang si Rian kung kaya't siya ang natamaan.

"H-hindi ko s-sinasadya. S-swear" nauutal na sabi ni Rin hanang di pa rin nakakagalaw sa kinatatayuan niya.

"Walang hiya ka!" sigaw ni Ian na parang gustong gusto nang sugudin si Rin. Ngunit di niya maaring iwan si Rian.

"R-rian" mahinang sabi ni Rin ngunit rinig ko dahil malapit siya sakin. Dahan dahan siyang naglakad papunta kay Rian.

"Wag kang lumapit! Hayop ka!" sigaw ulit ni Ian.

"It's just accident!" pagtanggi ni Rin.

"Yeah. That's JUST an accident. Accident that can make Rian deadly" makahulugang sabi ni Kenneth.

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon