Kabanata 1
ISANG LINGGO na ang nakalipas mula nang magpasukan kaya hindi na ‘ko masyado naliligaw dito sa private school na napili kong pasukan sa Laguna. Papunta ako sa gym nang school. Plano ‘ko kasing mag-aral kung pano magbasketball. Pano ba naman kasi, lagi akong pinagkakaisahan ng tatlo kong kuya. Porke't lalaki sila lahat at marunong magbasketball, eh, lagi na nila ‘kong pinagkakaisahan sa tuwing makikisali ako sa kanila.
Nagulat ako ng pagpasok ‘ko sa gym ay may makita akong naglalaro sa court. Akala ‘ko kasi wala ng tao dahil kanina pa kami umawas. Pinanood ‘ko siya habang naglalaro.
Hindi ako bihasa sa larong basketball pero may konting alam naman ako dahil kina kuya at masasabi kong magaling siya. Kung sa kanya kaya ako magpaturo? Pero hindi, nakakahiya. Hindi naman kami magkakilala para maglakas loob akong magpaturo sa kanya.
"Uh. Hi?" parang nag-aalangang bati niya sa akin.
Nagtaka ako nung nakita kong nasa harapan ko na siya. Siya ba yung lumapit? Napatingin ako sa buong paligid at napapikit at mahinang napamura ng mapagtanto kung anong nangyari.
" Kahit kailan ka talaga, Julie!" nakapikit na bulong ko sa sarili ko. Sobra ‘yung pagkahiyang nararamdaman ko dahil napagtanto kong ako pala yung lumapit sa kanya. Hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong naglalakad papunta sa kanya dahil masyado akong abala sa panonood sa kanya. Pagmulat ko, nakita kong nagtataka yung mukha niya.
"Ah, eh. Hi." nakangiti kong sabi sa kanya sabay tungo ulit. "Ah, eh. Ano.." pautal-utal na dagdag ko.
"Ano?" sabi niya at binigyan ako ng isang ngiti.
Napatulala ako sa kanya nang makita ko siyang ngumiti. Gosh! Bat ba siya ngumingiti? Lalo akong kinakabahan eh. Hindi naman kasi maipagkakaila na sobrang gwapo talaga niya. Idagdag pa ang pagiging matangkad niya sa edad na labindalawa.
"Uh, ano kasi.” Nauutal ko paring sambit. Wala kasi akong maisip na pwedeng sabihin sa kanya. Napansin ko namang napapakunot noo na siya dahil sakin kung kaya’t hindi na ‘ko nag-isip pa at basta basta nalang nagsalita.
“Pwede mo ba akong turuan magbasketball?"
Napangiwi ako dahil sa lumabas mula sa bibig ko. Hindi ko alam pero parang gusto kong maiyak. Pakiramdam ko kasi masyado na ‘kong napapahiya sa lalaking nasa harap ko.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Gusto ko sanang bawiin ‘yung sinabi ko pero parang mas magmumukha akong tanga kapag binawi ko pa.
"Ha? Bakit ka magpapaturo?"
"Uh, kasi ano.. Gusto kong matuto eh."
"Bakit gusto mong matuto?" bakas parin sa mukha niya ang pagtataka
“Uh, eh kasi gusto ko ‘yang sports na yan.”
"Bakit gusto mo 'tong sports na 'to?” nakangiti nang sambit nito na may halong pang-aasar. Narinig ko pang may idinugtong siya pero hindi ko na naintindihan dahil napatigil ako sa ngiting ipinakita niya sa’kin.
BINABASA MO ANG
Makapiling Ka
RomanceLahat gagawin 'ko para sayo. Kahit tumalon pa 'ko sa bangin, kahit lumunok pa 'ko ng bubog, kahit kumain pa 'ko ng apoy. Kahit nga palitan 'ko pa ang kasarian 'ko eh. Tanga ba? Wala eh. Mahal kasi kita. Kaya nga handa 'kong gawin lahat, para makapil...