Simula

7.7K 33 0
                                    

Nakakabingi na.

Nagtitilian na naman kasi sila.

Pano ba naman?

Naglalaro lang naman ang bestfriend 'ko. Ang bestfriend 'kong si Elmo Magalona. Angbestfriend 'kong team captain ng basketball team. Ang bestfriend 'kong lihim 'kong minamahal.

Pwede ba 'yon? Friendzone diba? Pero wala eh. Tinamaan ako ni Kupido.

Tanga 'ko no? Sa lahat na nga lang ng magugustuhan 'ko, yung magiging bestfriend 'ko pa. Pero kasalanan 'ko naman e. Kung hindi naman dahil sa akin, hindi kami magkakakilala. Kung hindi naman dahil sa kagagahan 'ko, hindi kami magiging magkaibigan.

Anong kagagahan?

May sinabi kasi ako sa kanyang katangahan. May sinabi ako sa kanyang katangahan na hindi ko magawang bawiin kaya eto ako, pinangangatawanan ang sinabi ko.

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon