Kabanata 20

2K 50 47
                                    

Kabanata 20

“I don’t care kung kayo man ni Bryan, Julie. Dahil ngayon, babawiin ko lahat nang panlolokong ginawa mo.”

Kinuha ko ang unan sa tabihan ko nang maalala ko ‘yung sinabi ni Elmo kanina. Naiinis ako sa inaasta niya ngayon pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong matuwa.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano bang dapat gawin at isipin ko. Para siyang puzzle na ang hirap buoin. Yun bang, alam mo na kung ano ‘yung sagot pero sa huli, mali ka pa rin pala.

Napahawak ako sa labi ko nang maaalaa ko ‘yung halik niya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan ‘yon. Iba pa rin pala talaga kapag siya na ‘yung nahalik sa’yo. Yung ginawa ko kasi ‘nun tuwing nasa library kami, parang may kulang. Pero nung siya ‘yung humalik sakin na para bang sabik na sabik, hindi ko na alam kung anong gagawin at nararamdaman ko. Parang tumigil ‘yung oras kung saan pinaparamdam niya sakin ‘yung kung ano mang gusto niyang iparamdam sa pamamagitan ng halik niya. Wala nang ibang pumapasok sa utak ko noong mga oras na ‘yon, para bang tumigil sa pag-ikot ‘yung mundo ko at ang tanging nasa isip ko ay ‘yung pakiramdam nung labi niya sa labi ko pero nang may marinig akong mga boses na papalapit, itinulak ko agad siya at agad akong lumabas nang hindi siya nililingon.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ‘yung mga sinabi niya. Bakit ba siya galit na galit? Nang dahil lang sa nalaman niyang niloko ko siya, nagka-ganun na siya? Ganun ba katindi ‘yung nagawang pag-apak ko sa pride niya o talagang hindi lang niya matanggap na naloko ko siya?

Bakit? Ako ba, walang karapatang magalit? Na sa hinaba-haba nang pagsasama namin, ganun lang kadali para sa kanya na ipagtabuyan ako?

Ako lang naman ang may karapatang magalit eh. Ako lang. Sa mga masasakit na salitang sinabi niya noon, kabayaran na nang panlolokong ginawa ko sa kanya. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit na galit siya eh. Ano naman kung naloko ko siya? Ano naman kung nagsinungaling ako sa kanya? May nawala ba sa kanya o may hindi ba siya nagawa dahil sa kasinungalingan kong ‘yun? Kung tutuusin nga, sakin maraming nawala dahil sa pagpapanggap kong ‘yun.

Napayakap ako sa unan ko nang mas mahigpit at napakagat labi ako nang maalala ko ‘yung binulong ni Elmo bago ako makalabas sa CR na talaga namang nagpagulo nang utak ko.

“Sinayang mo eh. Iba sana tayo ngayon kung hindi ka nagsinungaling..”

"BRY.” sabi ko agad nang sagutin nito ang phone. “Ano nga pala ‘yung sinasabi mong book na magandang gawing reference para sa thesis?”

Inuumpisahan ko na ‘yung thesis na ide-defense namin sa March kahit na mid-January pa lang naman. Kailangan ko kasing pataasin ‘yung grades ko kaya todo effort ako sa lahat nang activities sa school.

“Baby, I forgot the title, eh.” sabi nito na nagpataas nang kilay ko. “Pero you can find it sa tabing shelf nang social stud. Alex something ‘yung gumawa ‘nun.  ”

“Baby ka dyan?” singhal ko. “Sige, bye na. Sayang load ko sayo.” Biro ko dito.

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon