Kabanata 24

1.2K 37 15
                                    

A/N: Hi guys, I advice that you read the previous chapters of the story  before reading this para naman hindi mawala 'yung momentum nung stroy. Kasi personally, I really go back to the previous chapter before I read the latest update kasi minsan limot ko na kung ano 'yung last event. Going back to the previous chapters really helps me. A lot. So I hope, sa inyo rin. :)

Kabanata 24

KUNOT NOO akong nakatingin sa locket na hawak ko habang nakadapa. Mali ako nang akalain ko kanina na kwintas lang ito dahil nang pagmasdan ko iyon nang mabuti ay nakita kong may bukasan ito sa tabihan. Bagamat walang lamang picture sa loob niyon, masaya pa rin ako na ibinigay ito sa’kin ni Elmo. Napabuntong hininga naman ako at bumaliktad sa pagkakahiga nang maalala ko ‘yung ginawa kong pang-aaway kanina sa kanya.

Napalabi ako nang maalala ko ‘yung sinabi niya kanina. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala o ano dahil sa sinabi niya.

Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi nag-inarte pa ‘ko. Naiinis ako kasi inaway-away ko pa siya. Naiinis ako kasi natatakot ako. Paano kung dahil sa pag-iinarte kong ito,  hindi na naman niya ako pansinin? Paano kung pagkatapos nito, wala na naman akong halaga sa kanya? Paano kung ipagtabuyan na naman niya ako?

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung mangyari man iyon. Sinabi ko sa sarili ko noon na ititigil ko na ang kabaliwan ko sa kanya, pero paano ko naman magagawa ‘yon kung siya mismo ‘yung lumalapit, ‘diba? Ginawa ko naman, eh, at sa totoo lang, nagawa ko naman. Nagawa ko namang iwasan siya. Nagawa ko namang ipagpatuloy ang buhay ko ng wala siya. Kaso siya ‘yung bumalik, eh. Siya ‘yung nagpumilit nang sarili niya sa’kin. Ano nga ba namang magagawa ko kundi tanggapin siya, hindi ba? Dahil kung tutuusin, ayun naman talaga ang gusto ko. Ang lapitan niya ‘ko mismo.

Kagat labing napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa side table nang kama ko. Nagtatalo pa ang isip ko kung kukunin ko ba iyon para kausapin siya o hindi. Pero sa huli, nanaig ang kagustuhan kong kausapin si Elmo.

“Hello?” malamig na tugon nito nang sagutin nito ang tawag ko. Napakagat labi naman ako dahil doon. Galit ba siya?

“Hello?” untag nito sa’kin nang nanatili akong tahimik. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat kong sabihin. Natatakot ako na baka dahil sa isang maling salita ay matapos ang lahat nang kahibangan kong ito. Nanlulumong napatingin ako sa kisame ng kwarto ko na wari’y doon hinahanap ang mga salitang dapat kong sabihin.

“Ano? Bakit ka tumawag? May sasabihin ka ba o wala?”

 

Napahigit naman ako nang hininga dahil sa sinambit nito at dahil sa labis na pagkataranta ay kusa nang bumuka ang bibig ko upang magsalita.

“Meron..” bulong ko saka unti-unting umupo sa aking kama. Umaasa ako na magsasalita siya ngunit ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nagsasalita kung kaya’t ako na ang nag-umpisa. “Ano kasi.. diba sabi kausapin kita kapag malamig na ‘yung ulo ko?” nanatili naman itong tahimik kung kaya’t nagpatuloy ako. “Malamig na ‘yung  ano, ‘yung ulo ko.”

Narinig ko namang mahinang napatawa ito dahil sa sinabi ko ngunit agad din iyong nawala. Nanlulumong napayuko naman ako dahil sa naisip ko. Marahil ay natatawa ito sa’kin dahil masyado akong sunod-sunuran sa kanya. Na baka naiisip nito na wala pang isang araw ay wala na ang galit ko sa kanya. Baka iniisip nito na masyado akong patay na patay sa kanya. Pero ano namang magagawa ko, hindi ba? Dahil sa simula pa lang, tama naman na talaga siya. Na kahit anong sabihin niya, alam kong susunod at susunod ako sa kanya. Nang sabihin nga niya sa’kin noon na lubayan ko siya ay ginawa ko talaga kahit pa labag iyon sa kalooban ko. Paano pa kaya ‘yung mga bagay na kayang-kaya ko namang gawin, ‘diba?

Nanatili itong tahimik ngunit maya-maya ay narinig kong lumunok ito bago magsalita.

“Oh, anong gusto mong gawin ko?”

 

Lalo namang kumunot ang mukha ko dahil sa sinambit niya. Paano ko ba maayos ang problemang ito na ako mismo ang gumawa?

“Ikaw..” pasakalye ko. “Anong gusto mong gawin ko?”

“Tinatanong mo ba talaga sa’kin ‘yan?”

 

Saglit naman akong napatahimik dahil doon. Tinatanong ko nga ba talaga siya kung anong gusto niyang gawin ko? Grabe, para na akong isang puppet na susunod sa lahat nang sasabihin at ipag-uutos niya.

Nanatili akong walang kibo kung kaya’t naging hudyat siguro iyon sa kanya upang muling magsalita. Ngunit hindi ko naman inaasahan ang sasabihin niya.

“Gusto kong ipagsigawan mo sa buong school na mahal mo ako.”

 

Kulang ang depinisyong napanganga ako dahil sa sinabi niya dahil sigurado akong malala pa doon ang naging reaksyon ko. Talaga bang ipinapagawa niya sa’kin iyon?

Nahigit ko naman ang aking hininga nang muling sumagi sa isip ko ang sinabi niya. Ipagsigawang mahal ko siya? Bakit? Alam na ba niya na mahal ko siya? Paano? At higit sa lahat, mali iyon! Maling mali! Dahil hindi naman siya sa akin. Si Kristine ang legal na nagmamay-ari sa kanya kung kaya’t kapag ginawa ko iyon ay siguradong kahihiyan ang aabutin ko.

“M-mahal kita?” marahan kong ulit sa sinabi nito. Rinig ko naman ang naging pagsinghap nito dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nagulat ba siya dahil sa sinabi ko o dahil sa nagagalit o nae-excite siya dahil rinig ko ang marahas na paghinga nito. Para bang may narinig itong hindi niya nagustuhan dahil sa naging reaskyon niya at pilit niyang itinatago iyon.

“Hindi mo kaya?” mahinang tanong nito na tila ay nawalan nang lakas. Inakala niya siguro na agad akong sasang-ayon sa sasabihin niya dahil alam niyang mabilis niya ‘kong napapasunod. Gagawin ko naman, eh. Gagawin ko kung ano mang gusto niyang gawin ko pero hindi ito dahil unang-una, alam kong mali.

Alam ko din namang mali ang ginawa ko at hinding-hindi ko itatanggi iyon. Mali ang ginagawa kong pakikisawsaw sa relasyon nila ni Kristine pero nandito na ‘ko, eh. Nararanasan ko na ‘yung atensyong gusto kong ibigay sa’kin ni Elmo kaya uurong pa ba ‘ko? Ang maaaring maging konsolasyon ko na lamang ay ang pagtatago nang kung ano mang meron sa’min ni Elmo sa mga tao. Ito na lang ang tanging konsolasyon na maibibigay ko kay Kristine; ang kahihiyan.

“Hindi mo ba ‘ko mahal?”

 

Kung ramdam ko na ang pagtibok ng puso ko kanina, mas ramdam koi to ngayon dahil sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ito at wari ko’y lalabas na ito.

Sandali akong hindi naka-imik dahil sa itinanong sa’kin ni Elmo. Ito na ba ‘yun? Ito na ba ‘yung kung saan kailangan ko nang aminin lahat sa kanya? Ito na ba ‘yung kailangan kong sabihin at ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi ko na nagawang itama ang pagkakamaling nasabi ko noong una naming pagkikita dahil ginamit ko iyon para makasama siya?

Mariin akong napapikit dahil sa dalawang maaari kong pagpilian. Kung aamin ba ako na mahal ko siya kung saan maaaring layuan at iwan niya akong muli dahil laro lang ito lahat sa kanya, o itatanggi ko upang hindi siya mabahala nab aka hindi ko na siya pakawalan? Huminga ako nang malalim dahil sa napili kong desisyon bago tuluyang nagsalita.

“Bakit? Sa tingin mo ba talaga, mahal kita?”

Sorry, Elmo. Pero ayoko pang matapos lahat nang ito.

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon