Kabanata 9

2K 24 8
                                    

Kabanata 9

Napangiti at napailing na lamang ako sa naalala ko. Alam kong ang pilya nang ginawa ko. Mga ilang minuto nga pagkatapos niyon ay nagising na siya at hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Guilty kasi ako eh.

Yung nangyari nung fourth anniversary kuno namin? Hindi ayun ang first kiss namin. Third year ata ‘yun nang una kaming magkiss. Mali. Third year kami ‘nun nang una ko siyang hinalikan. Yun, hindi yung nagkiss, kasi ako lang naman ang humalik sa kanya ‘nun.

Alam ko ang bata bata ko pa para gawin ‘yun pero mahal ko kasi siya, eh. Masyado akong nakunsyumo nang pagmamahal ko sa kanya. Sa ganung paraan ko lang kasi kayang ilabas yung nararamdaman ko.

Ilang beses naulit yung magbabasa siya nang libro na sakin siya hihiga at pag nakatulog na siya dahil sa paghaplos ko sa buhok niya ay yumuyuko ulit ako para halikan siya at ibulong kung gaano ko siya mahal.

Alam ko mali. Hindi tama. Pero gaya nga nang sabi ko, sa ganung paraan ko lang kayang ilabas yung nararamdaman ko.

Sa mga nakaw sandali.

Napatigil ako dahil narating ko na ang paborito niyang pwesto ngunit hindi pala siya nag-iisa. Nadun din kasi si Kristine. Nakaunan sa binti ni Elmo.

Napatigil sila sa paghahagikhikan nang mapatingin sakin si Elmo. Napatingin din sakin si Kristine. Agad na umalis si Kristine sa pagkaka-unan kay Elmo at umupo nang maayos. Lumunok naman ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Naramdaman ko ding nag-iinit yung mata ko kaya tumingin ako sa taas at binasa ang labi ko.

Its’ now or never.

Tumikhim ako at binalik ang tingin kay Elmo.

“Pwede ka bang maka-usap?”

Tinitigan niya muna ako bago sumagot.

“Can’t you see? May ginagawa kami ni Kristine.”

Napatingin naman ako kay Kristine at parang naintindihan naman niya ako kung kaya’t agad siyang tumayo at nagpaalam kay Elmo.

“Kristine.” May himig nang pagpigil ang tinig ni Elmo.

“Okay lang Elmo.” Sabi nito sabay halik sa pisngi ni Elmo. “Mukhang importante yung sasabihin ni Julie.”

Nanatili pa rin siyang nakaupo kahit na nakaalis na si Kristine. Halatang ayaw makipag-usap sa akin.

Masakit na yung part na nakita ko sila ni Kristine na ginagawa ang ginagawa namin dati pero parang mas masakit ‘to. Mas masakit ‘yung isiping ayaw niya ‘kong makausap. Pero gaya nga nang sabi ko, it’s now or never.

 Tumikhim ulit ako at huminga ng malalim bago nagsalita.

“Elmo.” Tawag ko sa kanya sabay lunok.

“Ano?” tanong nito na bakas ang pagka-irita. “Puro Elmo ka naman, e.”

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon