Kabanata 11

2.1K 24 15
                                    

Kabanata 11

Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko habang naglalakad ako pauwi.

Sino nga ba naman ako para unahin niya kesa kay Kristine, diba? Si Kristine ‘yung girlfriend niya kaya iyon ang priority niya. Bakit nga ba ‘ko umasa na darating siya?

Ngayon ko lang na-realize, ang dami kong napabayaan dahil sa kanya. Pamilya ko, pag-aaral ko, kaibigan ko. Lahat.

Hindi ko na masyado nakasama sina mama kasi tuwing uuwi sila si Elmo pa rin ang inaasikaso ko. Walang sinasabi sina kuya sa ginawa kong ‘yon pero alam kong nagtatampo sila sakin. Lalo na sina mama. Minsan na nga lang sila umuwi pero inuuna ko pa rin si Elmo. Kasi isang text lang niya sakin nang ‘kita tayo’ nagkakandarapa agad ako.

Ang tanga ko naman. Sobrang tanga ko.

Ipinagpalit ko lahat dahil sa kanya tapos ganto lang ang igaganti niya sakin? Wow ha, thank you.

Gusto ko siyang sisihin sa lahat nang nangayayari sakin pero hindi ko magawa. Alam ko naman kasi eh. Alam kong ako ang may kasalanan.

Kasi ako yung umasa. Wala naman siyang sinabing mahal niya ‘ko pero umasa pa rin ako.

Congratulations Julie! Nagpakatanga ka sa maling lalaki!

  

Nakita ko ang panlalaki nang mata ni kuya Josh nang makita niya ‘ko.

“Bunso, anong nangyari sayo?!” tarantang tanong nito nang makita akong basang basa. Lalapitan niya sana ako pero pinatigil ko siya.

“Wala ‘to kuya. Inabot kasi ako nang ulan sa daan eh wala akong dalang payong.” Pinilit kong sabihin kahit nanginginig pa rin ang boses ko.

“Nasan si Elmo?” inosenteng tanong nito.

Ngumiti lang ako nang mapakla bago umakyat sa kwarto ko.

Nasan si Elmo?

Ayun, nagpapakasaya. Habang ako, eto, nagpapakatanga.

“JULIE?” tawag sa akin ni kuya Josh sa labas nang kwarto ko.

Nakapag-ayos na ‘ko. Nakapagpalit na ‘ko nang damit. Hindi pwedeng mahalata ni kuya na may problema ako. Hindi pwede.

“Kuya?” balik tanong ko habang binubuksan ang pinto.

“Etong grade mo, ano ‘to?” nakakunot noong tanong nito pagkapasok saka tumingin sa report card ko. “Math at Science, 80? English, 82? Anong nangyari? Last quarter halos puro 88 at 89 grade mo ah?”

Napayuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nahihiya ako.

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon