Kabanata 8

2K 22 10
                                    

Kabanata 8

“Bunso, uwi kang maaga ha? Ngayon uwi nina Nanay eh.”

Naglalakad ako sa hallway at kipkip ko ang aking cellphone sa kanan kong tenga habang kausap si kuya Jacob.

“Ha?” pag-aalinlangan ko. “Naku kuya, di ko pa alam eh. May gagawin pa kasi ako.” Pagdadahalin ko pero ang totoo, kakausapin ko lang si Elmo.

Naiinis nga ako sa sarili ko. Dati kasi, siya ang nahabol sakin pero itinaboy ko siya. At ngayong hindi na niya ‘ko hinahabol, ako naman yung naghahabol. Napag-isip isip ko kasi na kung hindi pa ako gagawa nang paraan para maayos kami, wala talagang mangyayari. Sayang naman yung pinagsamahan namin.

“Bunso naman eh.” nagtatampong himig nito. “Ngayon nga lang uuwi sina nanay pagkatapos nang dalawang linggo ‘tas parang hindi ka pa excited na makita sila.”

Ganyan talaga si kuya Jacob. Sa kanilang tatlong lalaki, siya ang pinaka-sweet kay nanay. Kaya nga inaasar siyang mama’s boy nina kuya.

“Hindi naman sa ganun kuya, pero kasi, may kailangan akong tapusing project eh. Bukas na ang pass ‘nun kaya kailangan ko nang tapusin.” pagdadahilan ko habang kagat-kagat sa aking kuko.

Narinig kong bumuntong-hininga si kuya sa kabilang linya bago nagsalita.

“Sige bunso. Pero pilitin mo pa ringumuwing maaga, ha? Nagluto kasi ako ng masarap kaya kailangan maka-uwi ka kaagad.” May himig nang pananakot ang boses nito.

“Opo, amang hari.” Pang-aasar ko pa rito. “Baka mamaya bumagsak lang ulit tayo sa fast food ha? Siguraduhin mong hindi na palpak luto mo.”

Nung unang beses kasing nagluto si kuya ay hindi talaga namin naatim kainin kahit anong pilit namin kaya tumawag nalang kami sa isang fast food at doon um-order nang makakain. At ang unang beses iyong ay nasundan nang nasundan kung kaya’t ayaw na ayaw namin ‘pag nagluluto si kuya.

“Hoy. Nagpaturo na ako kay ate Bea mo kaya siguradong masarap ‘to no.” pagtukoy nito sa girlfriend nito.

Tumawa ako sa tinuran niya bago sumagot.

“Oh, sige na po, amang hari.” Natatawa-tawa ko pang sabi. “Naku. Bibili na pala ako nang makakain bago umuwi, siguradong gutom lang ang aabutin namin sa inyong magsyota.” At sinundan ko pa ito nang isang malutong na tawa.

“Hoy wag kang mayabang. Parang ang sarap mong magluto, ah.” Pagsusungit nito. “Yung bilin ko ha? Piliting maka-uwi nang maaga. Ba-bye.”

“Bye, kuya.” Tatawa-tawa ko pa ring tugon bago pinatay ang tawag.

Nakangiti pa rin ako habang inilalagay sa aking bag ang aking cellphone nang makarinig ako nang impit na tilian. Napatingin ako sa aking harap at napatigil sa aking nasaksihan. Ayun si Elm, nakaluhod sa harap ni Kristine habang may hawak na isang kumpon nang bulaklak.

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon