Kabanata 7
“Elmo.” Tawag ko sa kanya nang marinig kong nagtime-out ang coach nila.
Inabangan ko talaga siya dito sa may bleachers. Dalawang araw ko na din kasi siyang hindi nakakausap, eh. Akala ko sasabihin niya sakin ‘yung tungkol sa kanila ni Kristine pero wala. Walang Elmo ang lumapit sakin para ipaalam kung totoo ba yung kumakalat tungkol sa kanina ni Kristine.
Maiintindihan ko naman eh. Pipilitin kong intindihin. Alam ko naman kung anong papel ko sa buhay ni Elmo. Alam kong best friend ako ni Elmo. Alam kong bestfriend niya lang ako.
Nakita ko pa ang pagkagulat niya nang makita niya ‘kong naghihintay sa kanya.
“Elmo.” tawag ko ulit sa kanya. Pilit kong kinukulong ang mga mata niya akin pero talagang mailap ito. “Yung tungkol sa inyo ni Kristine.”
“Anong tungkol samin ni Kristine?” sabi niya nang hindi pa rin tumitingin sa akin, imbes, humakbang siya palapit sa upuan kung saan naroroon ang bag niya.
“Ano…” utal na ssabi ko habang pinapanood siyang kalkalin ang kanyang bag. “Sabi kasi nila, ano eh..”
“Ano?” bakas sa mukha nito ang pagka-irita nang sandali niyang itigil ang pagkalkal sa bag at tumingin sa akin. “Anong sabi nila?”
Nakaramdam ako nang sakit ako sa pakikitungo ni Elmo sakin. Pero nilunok ko lang ang laway ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. Baka pagod lang siya kaya gan’to siya sakin. Baka bad mood lang siya kaya parang inis siya sakin.
“Sabi nila nililigawan mo na daw si Kristine.” Paglalakas loob ko.
Nakita kong napatigil siya sa ginagawa niya. Tumayo siya nang diretso at tinitigan ako. Lumaban ako ng titig sa kanya pero nanghihina ako sa klase ng tingin niya sa’kin. Parang hindi ako makahinga. Ang lakas pa nang tibok ng puso ko, idagdag pa ang panginginig nang buong katawan ko.
“Ah.” Sambit nito na hindi pa rin inihihiwalay ang tingin sa akin. “Pumunta ka dito para kumpirmahin yung kumakalat nabalita?”
“Uh.” kinagat ko ang labi ko. “Ganun na nga..”
Pero hindi na niya kailangang sumagot. Kasi ‘ayun na si Kristine sa likod niya habang nakatakip ang dalawang kamay nito sa mata niya.
“Guess who?” masayang bati nito.
“Kristine.” Bigkas ni Elmo nang may ngiti sa labi.
First blood.
Bakit siya nakangiti nang ganun? Yung ngiting kitang-kita kung gaano siya kasaya. Yung ngiting sa’kin lang niya dati pinapakita.
“Hi.” Sabi ni Kristine habang nakangiti nang humarap sa kanya si Elmo.
“Hi.” Bati naman ni Elmo saka ito hinalikan sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Makapiling Ka
RomanceLahat gagawin 'ko para sayo. Kahit tumalon pa 'ko sa bangin, kahit lumunok pa 'ko ng bubog, kahit kumain pa 'ko ng apoy. Kahit nga palitan 'ko pa ang kasarian 'ko eh. Tanga ba? Wala eh. Mahal kasi kita. Kaya nga handa 'kong gawin lahat, para makapil...