Kabanata 18

1.9K 40 19
                                    

Kabanata 18

Sorry, Juls. Can’t come right now. Nagpatawag ng meeting si captain, eh.

Agad ‘kong binitawan ang notebook na hawak ko at nagtype sa phone ko nang mabasa ‘ko ang text na iyon.

Okay lang, Bry. I can manage.

Ibinulsa ko ang aking cellphone at muling kinuha ang aking notebook mula sa mesa. Nadito ako ngayon sa garden, bilang nalang ang taong nandidito dahil bukod sa Friday ngayon ay kanina pa kami awas.

Wala pang isang minuto ay muling nagvibrate ang cellphone ko.

Sorry talaga. I’ll text you agad kapag tapos kami dito. Baka sakaling makaabot pa ‘ko.

Napailing ako nang mabasa ko ang text niya. Agad akong nagreply na okay lang talaga at saka ibinulsa muli ang cellphone ko. Magrereview dapat kasi kami ngayon dahil malapit na ang fourth monthly exam at kailangang makakuha ako nang mataas na grade para makabawi. Ilang araw na din naming ginagawa ni Bryan ‘to. Hindi naman ako humingi nang tulong sa kanya pero siya yung nagpumilit. Huwag na daw akong tumanggi dahil gusto niya daw na tumaas ang grade ko para makapasa ako dun sa university na gusto niyang pasukan. Gusto daw kasi niya na magkasama kami hanggang college. Hindi naman kasi malabong makapasa siya ‘dun dahil maayos naman siya sa klase at dahil varsity siya nang basketball. Kikiligin na sana ako ‘nun nang may idugtong siya.

“Pero akala mo gusto talaga kitang tulungan ‘no?” bulong nito. “Kailangan ko ding magreview ‘no. Hindi na ‘ko madalas maka-attend nang klase kasi araw-araw na ‘yung practice namin. Kaya makikisabay nalang ako sayo.”

Napasimangot agad ako nang idustong niya ‘yun saka siya kinurot siya sa tagiliran.

“Ouch!” mahinang daing nito na masama ang tingin sa akin at hinahaplos pa ‘yung tagiliran niya. “Eto naman, di mabiro. Syempre, joke lang ‘yun ‘no. Gusto talaga kitang makasama hanggang college.”

Nginitian ko naman siya nang matamis para asarin siya saka binalik ang tingin sa notebook ko. Narinig kong bumulong siya pero hindi ko naman naintindihan. Tinanong ko kung ano ‘yung sinabi niya pero sabi niya wala naman daw kaya hindi ko nalang pinansin.

“Gusto kitang makasama hanggang college. Kung pwede nga, habambuhay na eh.”

Narinig kong may tumikhim kaya agad kong itinaas ang paningin ko nang may ngitin sa labi sa pag-aakalang si Bryan ‘yon ngunit agad na nawala ang ngiting iyon nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harap ko ngayon.

Napalunok agad ako at nagbaba nang tingin. Anong ginagawa niya dito? Nagpawatag siya nang meeting, diba? Narinig ko ulit na tumikhim siya kung kaya’t napaangat muli ako nang tingin. Gusto kong ibaba ang paningin ko at hindi siya bigyan nang pansin pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang mag-iwas nang tingin.

Napansin kong hindi siya makatingin ng tuwid sakin. Kanina pa kasi paikot-ikot ‘yung mata niya dahil sa pag-iwas sa akin. Sinamantala ko naman iyon para tignan nang mabuti ‘yung mukha niya. Ayoko mang aminin pero namiss ko siya. Sobra. Yung pilikmata niyang lagi ‘kong tinititigan kapag natutulog siya sa binti ko, iyong mata niyang parang tumatagos lagi pag nakatingin siya sakin, ‘yung ilong niyang hilig niyang kulutin kapag inaasar ko siya, ‘yung labi niyang kapag palapit palang siya sakin ay nakangiti na. Lahat sa kanya, miss ko na. At lahat nang ‘yon ay ngayon ko lang naamin sa sarili ko. Pilit ko kasing sinasabi sa sarili ko na hindi ko siya kailangan, na okay ako kahit wala siya sa tabi ko.

Kaya ko naman eh. Naka-survive ako nang isang buwan nang wala siya, nagawa ko ulit ‘yung mga bagay na ginagawa ko dati nang wala siya. Pero iba pa rin talaga kapag nadiyan siya sa tabi ko. Hindi ko man aminin, mas masaya at kumpleto ako kapag kasama ko siya.

“Anong kailangan mo?” malaming kong tanong dito nang hindi nakatingin. Kahit na gustong gusto ko na siyang yakapin, hindi pwede kaya kailangan kong tatagan ‘yung loob ko. Kung kailangan kong magsuot nang maskara, gagawin ko. Sinabi ko na ‘to noon, na dahil sa pagmamahal ko sa kanya, nagiging sinungaling ako, hindi lang sa ibang tao kundi pati na rin sa sarili ko. Pero anong magagawa ko, kung ‘yun lang ang tanging paraan para maipakita ko sa kanya na hindi ako nasasaktan? Yun nalang ang tanging natitira sakin. Yung maipakita ko sa kanya na wala lang sakin, na wala na sakin yung pananaboy na ginawa niya.

“Bakit kayo ni Bryan?” dinig ko ang disgusto nang sabihin niya ‘yon habang nakatingin siya sa kanan niya.

“Anong bakit kami?”

“Bakit mo siya niloloko?”

“Ano?” maang kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. “Ako? Niloloko si Bryan?”

“Pwede ba, Julie.” nagtitimping sabi nito habang tinutuon sakin ang kanyang tingin. “Pwede bang huwag na tayong maglokohan dito?”

“Ano bang pinagsasasabi mo?” hindi ko na napigilan ang sarili ko kung kaya’t napatayo na ‘ko. “Alam mo, kung wala ka namang matinong sasabihin, umalis ka nalang.”

“Kayo na, diba?” ulit na tanong nito sakin. “Kayo na. Rinig ko nung sinabi mo ‘yon sa mga kaklase natin.”

Hindi agad ako nakaimik dahil sa sinabi niya. Hindi kasi ako makapaniwala na may pake siya kung kami man ni Bryan.

“Ano naman sa’yo kung kami?” mapanghamon kong tanong dito nang nakataas ang noo.

Napansin kong nagulat siya sa inasta at sinabi ko. Pero bakit naman siya magugulat na kami na nga, diba? Eh siya naman ‘yung nag-aakusa na kami na nga ni Bryan.

“Ano sa’yo kung kami?” nang-aasar na tanong ko ulit dito. “Anong pakielam mo?”

Napansin kong lumunok at nagtiim-bagang muna siya bago nagsalita.

“Tibo ka, diba? Bakit ka pumatol sa kanya?”

Ako naman ngayon yung hindi nakaimik dahil sa sinabi niya. Nadun pa rin kasi ‘yung sakit sa tuwing sasabihin niyang tibo ako, na tomboy ako.

“Ano naman sa’yo kung pumatol ako sa kanya?” pabalik kong tanong nang makabawi ako. “Bakit? Ano ka ba niya, ha?”

“May paki ako dahil kaibigan ko siya.” Malakas na sabi nito.

“Kaibigan?” asar na ulit ko. “May kaibigan bang nangbubunggo kahit na ang lawak lawak ng daan?”

“Ginawa ko ‘yon dahil sa’yo. Dahil niloloko mo siya.” Tiim bagang na sabi nito.

“Pano kung sabihin ko sa’yong hindi naman ako tibo? Na babae talaga ako?” mapanghamon kong tanong dito.

Napansin kong napa-maang siya sa sinabi ko. Para ano pa’t itatago ko sa kanya, diba? Wala naman na ding magbabago.

“Huwag na nga tayong maglokohan, Julie. Kahit ano pa–”

“Hindi na nga kita niloloko, ah?” putol ko sa sasabihin niya. “Ayan na nga, oh. Sinasabi ko na sa’yo ‘yung totoo.”

Nakita kong nanlaki 'yung mata niya at bahagya pang bumuka ang bibig niya kaya nagsalita ulit ako.

“Sorry ka nalang, Elmo.” Dagdag ko. “Pero hindi si Bryan ang naloko ko. Ikaw.”

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon