Kabanata 16
“Nakakalalaki yung Magalonang ‘yun ha?” inis na sabi ni Bryan.
Dumiretso kami sa room kahit na kakain dapat kami pagkatapos nung insidente, I mean, pangbubunggo samin ni Elmo. Hindi siya considered na aksidente kasi halata naman na sinadya niya ‘yon.
“Akusahan ba namang bakla ako? Huh!” dagdag nito saka umupo sa silya niya. “Porket siya ang captain namin, kung makaasta siya, ‘kala mo kung sino.”
Napayuko ako sa sinabi ni Bryan. Hindi naman kasi siya yung pinaparinggan ni Elmo eh kundi ako. Alam kong ako.
“Ako? Bakla?” dagdag pa nito na wari’y hindi makapaniwala habang tinuturo yung sarili niya.
“Bakit? Hindi ba totoo?” naisipan kong asarin siya. Kesa naman magmukmok ako dahil sa pagpaparinig ni Elmo, si Bryan nalang iintindihin ko. Masyado na din kasi siyang highblood eh. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya, in fact, hindi naman siya nakakatakot. Kahit kasi nakakunot na ‘yung noo niya sa sobrang pagkainis kay Elmo, ang cute cute pa rin niyang tignan. Gusto ko ngang pisilin yung pisngi niya sa sobrang panggigigil ko kaso wala naman ata sa timing kung gagawin ko ‘yun ngayon.
“Ha?” gulat na tanong nito sakin.
“Sabi ko, bakit? Hindi ba totoo yung sinabi ni Elmo?” ulit ko nang mabagal para bigyan ito nang diin.
“Julie.” tawag nito sakin na parang sinusuway ako. “Pati ba naman ikaw?” asar na binigyan ako nito nang tingin.
“Bakit?” maang na tanong ko at nag-iwas nang tingin para lalo siyang maasar. “Malay ba natin diba? Kasi yung iba kunwari lalaking lalaki pero lalaking lalaki pala ang tipo.” Bulong ko saka humagikgik.
Hindi ako nakaharap sa kanya kaya hindi ko nakita nang bigla siyang tumayo at dumukwang sakin nang sobrang lapit na halos magdikit na yung ilong namin. Nakaupo kasi ako sa silya kaya napatingala ako at napadikit yung likod ko sa sandalan dahil sa ginawa niya.
“Hinahamon mo ba ‘ko, Julie?” madiin nitong bulong.
Ramdam ko yung malamig niyang hininga sa labi ko nang bumulong siya dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Pero imbis na kabahan ako, napangiti pa ‘ko. Ewan ko kung bakit pero gustong gusto kong nakikitang naasar siya tulad nalang ngayon. Lagi kasi siyang nakangiti at ni hindi mo siya makikitang galit at malungkot kaya tuwang tuwa akong makitang nagkakaganito siya.
“Pano kung oo?” mapanghamon kong tanong dito.
Nakita kong naningkit ang mata niya hudyat nang pagka-inis niya sa akin pero narinig kong bumuntong hininga siya nang malalim ay agad siyang umatras para tumayo nang maayos.
“Nakakainis ka naman, Julie, eh.” nakalabi nitong maktol at padabog na bumalik sa upuan niya. “Imbis na i-comfort mo ko’t sabihin na hindi naman totoo ‘yung sinasabi nung Magalonang ‘yun, inaasar mo pa ‘ko.”
Tumawa muna ako nang malutong bago lumapit sa kanya bago umupo sa ibabaw nang desk ng arm chair niya.
“Ikaw na lalaki ka,” sabi ko dito habang pinipisil ang magkabilang pisngi niya kaya napatingala siya sakin. “napakamatampuhin mo.”
“Eh ikaw naman kasi eh.” pag-iwas nito sa kamay ko na pumipisil sa pisngi niya na animo’y nagtatampo pa rin. “Kinekwestiyon na nga ‘yung pagkalalaki ko, tuwang tuwa ka pa. Gusto mo patuyan ko sayo ngayon din eh?”
Napangiti ako nang malaki dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung macha-challenge ba ko o ano sa tanong niya eh.
Hinawakan ko ulit ang magkabiling pisngi niya na animo’y nakikipag-usap ako sa bata at inilapit ang mukha ko sa mukha niya katulad nang ginawa niya kanina na halos magkadikit na ang ilong namin
“Bryan, kahit naman anong sabi–”
“Uyy!” pang-aasar nang mga kaklase ko na naging dahilan upang mapatigil ako mapatingin sa may pintuan.
“Uy, ano ‘yan ha? Bawal ‘yan!” narinig ko pang sabi nang isa.
Napatingin ako sa kanila at napansin kong maging halos lahat nang kaklase ko ay nakadungaw sa amin ni Bryan. Nakita ko din si Kei at Janice na ngiting-ngiti sa amin na animo’y kilig na kilig.
“Pare, halika dito, dali!” dinig kong hiyaw nang isa. “May SPG dito oh!”
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko at napailing nalang ako. Bumaba ako mula sa arm chair at napatingin kay Bryan nang magsalita ito.
“Alis na ‘ko, Julie.” sabi nito na bakas pa rin ang ngiti sa mukha. “Tapos na ata ang recess.”
Nginitian at tinanguan ko nalang ito saka ito lumabas. Pagkalabas na pagkalabas naman niya, nagtakbuhan papunta sakin ang mga kaklase kong babae na nag-iiritan.
“Uy, Julie ha!” sabi ni Kei. “Ano ‘yon? May paganun ganun na kayo, ha?” pang-aasar nito sakin saka ako sinundot sa tagiliran.
“Oo nga!” sabi naman nang isa kong kaklase. “Kayo na ba, Julie?”
Umiling muna ako habang nakangiti bago nagsalita.
“Hindi ‘no. Kayo talaga.”
“Hindi daw!” rinig kong tudyo nang babae kong kaklase. “Kulang na nga lang na makita namin sa akto na naghahalikan kayo tas’ hindi kayo?”
Nakatingin silang lahat sakin habang natangu-tango pati na rin ‘yung mga lalaki kahit na nasa isang tabi lang sila. Sasagot na sana ako na hindi nga nang maagaw nang isang tunog ang atensyon naming lahat.
May isang lalaki kasing sinipa ‘yung bakal na upuan sa unahan niya na ikinatumba nito bago padabog na inihagis sa upuan niya ‘yung bag niya at umupo.
BINABASA MO ANG
Makapiling Ka
RomanceLahat gagawin 'ko para sayo. Kahit tumalon pa 'ko sa bangin, kahit lumunok pa 'ko ng bubog, kahit kumain pa 'ko ng apoy. Kahit nga palitan 'ko pa ang kasarian 'ko eh. Tanga ba? Wala eh. Mahal kasi kita. Kaya nga handa 'kong gawin lahat, para makapil...