Kabanata 22

1.4K 41 22
                                    

Kabanata 22

“All the faculty members had a meeting last Friday and we all agreed that this year’s seniors will have a farewell outing.”

Naghiyawan ang mga lalaki at nag-iritan naman ang mga babae dahil sa sinabi ni sir. Maging ako ay napangiti din dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ako kay Kei na kahilera ko nang upuan. Agad akong napabuntong hinininga nang mapansin kong wala siyang kibo at nakatitig lang sa sahig. Hindi ako sanay na tahimik siya.

“But this isn’t an outing where in you’ll relax and enjoy.” Putol ni sir sa amin dahilan para matigil ang mga kaklase ko sa pagsigaw. “Team building ito. All the seniors are randomly grouped and you’ll get to face different challenges that will help and will be a benefit sa inyo lalo na’t you will be facing another milestone in your life which is entering college.”

Agad na naagaw nang sinabi ni sir ang atensyon ko. Napaisip ako dahil doon. Seniors are randomly grouped. Ibig bang sabihin ‘non ay halu-halo lahat nang section kada group?

Ibig sabihin, may posibilidad na magkasama kami.

Lihim akong napangiti sa naisip ko.

Tumunog ang bell tanda na natapos na ang isang oras na takda kada subject. Pinaka-huling subject na ‘to para sa araw na ito kung kaya’t agad na isinilid nang mga kaklase ko ang kanilang mga gamit sa kanilang mga bag. May iba pa na tumayo at nagtapon sa basurahan. Nanatili naman akong nakaupo at nanonood sa kanila. Lagi ko kasing hinihintay na mag-ayos nang gamit ang lahat ng teacher na tumatayo at nagtuturo sa harap namin bago ako mag-ayos nang gamit at tumayo tanda nang pag-galang.

“This outing is compulsory.” Dagdag nito at muling kinuha ang atensyon nang mga kaklase ko. “Each and every one of you is required to join the outing.”

“Paniguradong sasama naman lahat ‘yan, sir!” singit nang babae kong kaklase.

Agad na nagtanguan at nagsambit nang pagsang-ayon ang mga kaklase ko. Tumango naman si sir at umusal nang isang malakas na ‘goodbye everyone’ bago tuluyang umalis.

“Tignan natin kung naka-post na sa bulletin board ‘yung mga magkaka-group.” Sambit ni Janice habang isinusukbit ang kanyang bag sa kanyang balikat. Napatingin naman ako kay Kei at nakita itong mabagal na nag-aayos nang gamit. Nagkatinginan kami ni Janice at sabay na ngumiti nang malungkot. Hindi kasi kami sanay na ganito si Kei. Pagkatapos kasi nung nangyari noong nakaraang Biyernes, lagi na siyang tahimik at walang kibo. Napakaingay at gulo niya noon kung kaya’t talagang naninibago kami.

“Kei!” tawag ni Janice sa pansin ni Kei. Agad naman siyang tumingin habang ipinagpapatuloy ang paglalagay nang ballpen sa kanyang bag. “Saan daw ba gaganapin ‘yung outing?”

Nagkibit balikat ito habang sinasara ang zipper nang kanyang bag. Tumayo na ito at isinukbit sa kanyang balikat ang kanyang bag.

“Hindi mo talaga alam?” pangungulit ni Janice. “Hindi ako naniniwala. Dali na, saan daw ba kasi? Para makapag ready na ‘ko.”

Napangiti ako dahil sa inaasta ni Janice. Madalas ay tahimik at parang wala lang siyang pakielam kung kaya’t natutuwa ako dahil nakikita kong nag-e effort talaga siyang mapasaya si Kei.

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon