Kabanata 19
“Tss.” Napatingin ako kay Bryan nang magsalita siya habang nakatingin sa kanyang cellphone. “Practice, practice. Di naman siya na-attend.”
“Di na-attend?” pa-inosente kong tanong habang pinagpapatuloy namin an gaming lakad. Ang alam ko kasi, ‘yung huling nagpatawag ng meeting si Elmo sa team niya ay ‘yung kinausap niya ‘ko.
“Oo.” Mapaklang sabi nito habang binubulsa ‘yung phone niya. “Pagdating naming lahat sa gym, sinabihan niya lang kami na magpractice dahil malapit na ‘yung championship tas umalis na din siya agad.”
“Ah.” Pa-inosenteng tugon ko ulit. “Eh, baka naman may importanteng pupuntahan?”
“Importante my ass.” Diri nitong tugon na ikinunot pa ang kanyang noo. “May bagong chicks ata ‘yun eh kaya ganun.” Dagdag pa nito. “Lagi siyang pinupuntahan ni Kristine tuwing may practice kami pero parang iniiwasan naman niya.”
“Talaga?” kunwaring tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Nagkakagulo na naman ang utak ko dahil sa kanya. Una, dahil napagtanto kong pinuntahan niya talaga ako nung Friday dun sa bench at pangalawa, dahil iniiwasan niya raw si Kristine. At ano daw? May bago siyang babae? Ano yun, sawa na siya agad kay Kristine? Ang bilis naman ata.
“Sama ka?” tanong nito maya-maya.
“Saan?”
“Sa practice.”
“AND THAT'S THREE POINTS FOR MAGALONA!” rinig kong hiyaw nang isa sa mga varsity kasabay ang pag-irit nang mga kababaihan dito sa court. Hindi ko alam kung bakit, pero agad akong um-oo nang ayain ako ni Bryan na sumama sa kanya. Pero buti nalang din at sumama ako sa kanya, taga-ibang school pala ang kalaban nila ngayon hindi katulad nung dati na hinahati ‘yung team nila sa dalawa tuwing may practice game.
Napailing ako sa takbo nang utak ko. Hindi ko na dapat iniisip ‘yun. Dahil kasi kay Elmo kaya alam ko ‘yung ginagawa nila tuwing practice.
“Go, Elmo! Go, Elmo! Go, Elmo!”
“I love you number 16! Marry me, please?”
Sabay-sabay na hiyaw nang mga kababaihan sa court. Hindi naman ito official game pero halos mapuno pa rin ang court sa sobrang daming nanonood.
“Ohh.” Rinig ko mula sa speaker. “Travelling, number 16. Mukhang masama timpla ni captain ah.”
Napatingin agad ako sa kanya at napansin kong nakabusangot ang mukha niya.
“Isang kiss naman daw diyan, Kristine!” sabi pa muli nito at nagtawanan na nagpasimangot sa akin. Hindi ko alam kung nadito din ba si Kristine at nanonood pero wala akong balak hanapin siya sa bench.
Napangiti ako nang makita kong dini-dribble ni Bryan ‘yung bola. Magaling din naman siya eh. Sadyang si Elmo lang talaga ‘yung captain kaya mas marami siyang fans.
“OMG! Look at those triceps and pawis! Gosh, ang hot tignan!”
Napatingin ako sa tinuturo nung babae sa tabihan ko nang marinig ko ‘yung sinabi niya. At hiniling ko na sana, hindi nalang ako tumingin dun sa itinuturo niya dahil hindi ko na maialis ang tingin ko sa pawisan niyang mukha - na hindi ko namannapansin kanina - habang tumatakbo siya papunta sa court nila. Pinasa pala sa kanya ni Bryan ‘yung bola.
“Foul again by Mr. Magalona!” rinig ko ulit mula sa speaker sa loob ng court. “Isang foul nalang, graduate ka na! Hahaha.”
Napalunok ako nang pinagmasdan ko yung butil butil niyang pawis sa mukha at leeg. Bumaba ang tingin ko sa braso niya. Napalunok ulit ako at napapikit. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin dahil ramdam kong nag-init ‘yung dalawa kong pisngi. Agad-agad akong tumayo at nagtungo sa banyo malapit sa shower room nang mga varsity.
“Ano ba, Julie.” pagsita ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at sinasampal sampal ‘yung dalawa kong pisngi. “Wag mong sabihing pinagnanasaan mo ‘yun?”
Napabuntong hininga ako at pilit na kinakalma ang aking sarili. Binuksan ko ‘yung gripo at tumungo para maghilamos.
Hindi ko gusto ‘yung naglaro sa isip ko kanina. Kinakalimutan ko na siya diba? Kaya hindi welcome ang kahit anong tungkol sa kanya sa utak ko. Lalo pa kung ‘yung muscles at pawis niya ang nasa isip ko.
Napailing ulit ako at binilisan ang paghihilamos para burahin ‘yung itsura niya kanina sa utak ko. Narinig kong bumukas ‘yung pinto. Tumayo na ako saka kinuha yung towel ko at pinunas sa mukha ko. Bumuntong hininga ako saka tumingin sa salamin pero nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko kung sino ang nasa likod ko.
“Anong ginagawa mo dito?!” nae-eskandalong sigaw ko saka humarap sa kanya. Napaatras ako sa sink nang makita kong sersoso ‘yung mukha niya. Bumaba ‘yung tingin ko sa leeg niya papunta sa braso niya. Napalunok ako at mariing pumikit.
“Ano ba, Elmo?” dagdag ko nang hindi man lang ito natinag sa sigaw ko. “Lumabas ka na nga. Baka may makakita pa sayo dito!” sabi ko pa habang palinga-linga kahit na kaming dalawa lang ang nasa loob.
Pero hindi ito umalis, imbis, nagsalita ito na may bahid na pagkalito sa mukha. “Bakit mo ba ‘ko gina-ganito?”
“Ha?” litong tanong ko dito. “Anong sinasabi mo?”
Nagulat ako nang lumapit ito sakin na wari’y kinukulong ako, at nang hawakan niya ang magkabilang braso ko.
“Hindi ko na alam kung ano ba talagang totoo, Julie.” sabi nito saka ipinatong ang kanyang ulo sa kaliwang balikat ko at hinigpitan ang hawak sa braso ko. “Hindi ko na alam kung ano bang paniniwalaan ko. Hindi ko na alam.”
Halos maduling ako sa pagtingin sa kanya dahil sa sobrang lapit niya sakin. Bakas sa mukha niya ang paghihirap at kalituhan.
“A-ano ba, Elmo.” Mahinang daing ko. Sobrang lakas nang kabog nang dibdib ko. Idagdag pa na ramdam ko ‘yung dibdib at pawis niya sa sobrang pagkakadikit namin. Gusto ko mang pigilan pero hindi ko magawa. Sobrang lakas nang epekto niya sakin.
“Sabihin mo nga, Julie.” itinaas nito ang kanyang ulo mula sa pagkakapatong sa balikat ko at mataman akong tinignan. “May totoo ba sa pinagsamahan natin noon o kasinungalingan lang lahat ‘yon?”
Napatawa ako nang pagak at nabura lahat nang kabang nararamdaman ko kanina nang dahil sa sinabi niya. Pinagsamahan? Sino siya para sabihing may pinagsamahan kami?
“Ano naman sa’yo kung totoo o kasinungalingan lang lahat nang 'yon?”
Rinig ko ang mahinang mura niya dahil sa tinuran ko.
“Fuck, Julie.” madiin na mura nito saka ikinulong ang ulo ko gamit ang magkabilang kamay niya. “Niloko mo ko. Apat na taon, Julie.” dagdag pa nito. “Four fucking years.”
“Oh?” matamang na saad ko dito. “Anong pinuputok nang butsi mo? Wala ka namang pakielam sakin, diba?”
Nanlaki ang dalawa kong mata nang bigla ako nitong halikan. Pilit ko siyang itinutulak pero mas malakas siya, nagawa niyang hawakan ‘yung dalawang kamay ko at dinala ito sa itaas nang ulo ko. Sumubok akong magsalita para magprotesta pero isang ungol lang ang lumabas sa mga labi ko.
“Ito ba ang walang pakielam, ha, Julie?” sabi nito sa pagitan nang halik.
Alam kong mali, alam kong hindi tama, pero unti-unti akong bumibigay dahil sa halik niya. Binigyan ako nito nang maliliit na halik. Nambibitin. Nang-aakit. At tuluyan na ‘kong bumigay nang sakupin nitong muli ang labi ko. Muntik na akong matumba dahil sa panlalambot at pagbigay nang tuhod ko, pero nahawakan niya agad ako sa magkabilang bewang.
“I don’t care kung kayo man ni Bryan, Julie.” saad nito sa pagitan nang maiinit niyang halik. “Wala akong pakielam. Dahil ngayon, babawiin ko lahat nang panlolokong ginawa mo.”
BINABASA MO ANG
Makapiling Ka
RomanceLahat gagawin 'ko para sayo. Kahit tumalon pa 'ko sa bangin, kahit lumunok pa 'ko ng bubog, kahit kumain pa 'ko ng apoy. Kahit nga palitan 'ko pa ang kasarian 'ko eh. Tanga ba? Wala eh. Mahal kasi kita. Kaya nga handa 'kong gawin lahat, para makapil...