Kabanata 23

1.4K 49 39
                                    

Kabanata 23

“Tanauan!”

“Tanauan! Tanauan!” gaya ni Kei ‘dun sa kalbong lalaking nagtatawag ng pasahero. Pauwi na kami mula sa school at tumigil ‘yung jeep na sinasakyan namin sa tapat mall para maghintay nang mga pasahero mula sa loob.

“Tanauan!” ulit pa nito. Biglang napatingin samin ‘yung kalbong lalaki kung kaya’t agad kaming nag-iwas nang tingin. Mahina naman kaming natawa dahil ‘dun. Kahit kailan talaga si Kei eh.

“Oh, Tanauan! Dalawa pa!”

“Itsura naman ni manong, eh. Parang walang tigil mangulangot sa sobrang laki ng ilong.”

Kung anu-anong sinasabi namin tungkol dun sa lalaki nang bigla akong mapatigil nang makita ko si Kristine na papasok sa loob nang jeep. Bigla akong na-conscious sa itsura ko dahil sa kanya. Mukha kasing ang linis-linis pa rin at ang bangu-bango niya kahit hapon na di tulad ko na alam kong amoy pawis na. Mas lalo ko namang napatunayan iyon nang umupo siya sa tabi ko. Halos puno na kasi ang jeep at sa tabi ko nalang at sa may bandang unahan may bakante kung kaya’t wala nang ibang pagpipilian. Amoy na amoy ko ‘yung pabangong gamit niya. Ayun din kasi ‘yung laging inire-regalo sakin noon ni Elmo.

Nahigit ko naman ang hininga ko nang makita ko naman si Elmo na papasok nang jeep. Doon siya dumiretso sa may bandang unahan. Nakaramdam ako nang panlulumo at insecurity sa katawan ko dahil doon. Ibig sabihin kasi, magkasama sila sa mall. Nagde-date sila.

Nakita ko nang tumingin ito kay Kristine at ngumiti. Nakita ko din kung paano nanlaki ang mata nito nang bigla siyang mapatingin sakin. Imposible naman kasing hindi niya ‘ko makita dahil katabi ko si Kristine. Ako na ang unang nag-iwas nang tingin.

Gusto kong magtampo sa kanya. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong itanong kung bakit sila magkasama. Kaso naalala ko, pangalawa lang pala ako. Ako ‘yung sikretong na kahit kailan, hindi pwedeng malaman.

“Para po!” napatingin ako kay Kei nang pumara siya. Ni hindi ko na napansin na nagpaalam na pala siya sa amin. Bumaba na si Kei kung kaya’t umisod ‘yung mga nakaupo sa harapan ko dahilan upang mapalapit si Elmo sa amin na halos katapat na niya si Kristine.

Binilisan nung driver ‘yung pagpapatakbo nang jeep kung kaya’t nung may babaeng pumara ay malakas ang impact sa amin. Nagdkadikit ang braso namin ni Kristine at dahil doon ay mas lalong bumangon ang insecurities sa katawan ko. Ang kinis nang balat niya na animo’y hindi nagagasgasan. Marahan akong umayos nang upo at inilagay ko ang magkabila kong braso sa aking harap na animo’y nakayakap ako sa sarili ko.

Bakit ba kasi lahat nalang nasa kanya ? Wala naman akong pakielam kung nasa kanya lahat nang magagandang katangian sa mundo eh. Wala akong pakielam kung nasa kanya lahat nang bagay na gusto nang mga kalalakihan. Sige, sa kanya nang lahat. Pero pati ba naman ‘yung lalaking gusto ko sa kanya pa rin?

“Bye, Julie.”

Bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang sinabi ni Janice. Nagbye din ako sa kanya at tipid na ngumiti.

“Babe.” Dinig kong ungot ni Kristine. Napakagat labi ako dahil doon. Nakita ko namang tumaas ang isang kilay ni Elmo dahil sa tawag ni Kristine.

“Ang sikip.” Dinig kong bulong nito.

“Ha?”

“Ang sikip.” Bulong ulit nito.

“Ano?”

“Sabi ko ang sikip!” sigaw nito.

Napatingin naman ‘yung mga pasahero sa kanya dahil sa sinabi niya. Agad naman siyang ngumiti at humingi nang paumanhin. Ngumiti naman pabalik ‘yung karamihan sa mga tao.

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon