Kabanata 17
“So, ano Julie? Nanliligaw na ba sa’yo si Bryan?” tanong nang isa sa mga babaeng nakapalibot sa akin.
Pagkatapos nung pagsipa ni Elmo sa upuan kanina, nagsibalikan ulit ang tingin nang mga kaklase ko sa’kin. Yung mga lalake naman, pumunta na sa kani-kanilang upuan, yung iba nagkanya-kanya na nang usap.
Hindi talaga kami magkaklase ni Elmo. Kada pagkatapos nang recess, pinaghahalo-halo ang estudyante base sa mga grade nila upang mas mapadali ang pagtuturo. Walang maiiwan at walang mauuna. Minsan kasi sa isang klase, may likas na matatalino at may hindi naman masyado kung kaya't hirap na hirap 'yung mga hindi pinalad sa math sa tuwing nagtuturo ang teacher. Minsan kasi akala nang teacher ay naiintindihan na nang mga estudyante niya ang itinuro niya pero hindi pa naman talaga. Hirap kasi halos lahat nang estudyante dito sa amin kung kaya't gumawa nang program ang school kung saan mas mapapadali para sa mga estudyante ang pag-intindi sa math.
“Hindi nga, ano ba kayo.” Pagtanggi ko habang nakatingin kay Elmo. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya dahil sa inasta niya kanina. Una, ‘yung pagbunggo niya sa’min ni Bry at pagpaparinig. Pangalawa, yung pagdadabog niya pagkapasok na pagkapasok niya. Galit ba siya dahil sa nakita niyang pweso namin ni Bryan? Posible kayang nagseselos siya? Hindi. Imposible. Baka may problema lang talaga sila ni Kristine.
Iwinaksi ko agad sa isip ko yung nabuo ‘kong konklusyon. Imposible naman talaga diba? Yung mga pananaboy niya sakin noon, lahat nang masasakit na salitang sinabi niya, pruweba na wala na talaga siyang pakielam sakin.
“Weh?” sabi nito with matching atras pa. “Lagi kayong magkasama tas walang something?”
“Baka ‘di na nanliligaw kasi sinagot na!” sigaw nang isa.
Namilog ang mga mata nang kaklase ko dahil sa sigaw na ‘yun. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko upang pigilan ang ngiting unti-unting sumisilay sa mukha ko.
“Oh em gi!” patiling sabi ni Kei. “Totoo ba ‘yun, Julie? Don’t tell me na totoo nga kundi magtatampo ako sayo!”
“Bat ka naman magtatampo?” napatingin ako kay Janice nang sabihin niya ‘yon at nakita kong nanlalaki ang mga mata niya. “Wag mong sabihing type mo si Bryan?”
“Gaga! Hindi no!” pairap na sambit nito. “Magtatampo ako kasi hindi manlang nagsasabi satin si Julie!”
Napaisip ako sa sinabi niya at napatingin kay Janice. Nakita kong nakatingin din siya sakin at nakangiti na para bang may ibig ipahiwatig. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya nabasa ko ang aking labi para pigilan ang ngiting kanina pa gustong kumawala sa labi ko.
“Ano, Julie?” nanlilisik ang mga mata ni Kei. “Kayo na nga ba ni Bryan, ha?”
Yumuko ako, kinagat ang aking labi, at nilabas na ang ngiting kanina ko pa itinatago bago sumagot kay Kei at sa mga kaklase kong nag-aabang.
“Oo.”
“JULS.” napalingon ako kay Janice nang marinig ko ang pangalan ko. “Di na muna kami sasabay sa inyo ni Bry ha?”
“Ha?” maang kong tanong habang nagliligpit nang gamit. Lunch na kasi namin at pupunta dapat kami ngayon sa lagi naming kinakainan sa canteen para kitain sina Bryan. May mangilan-ngilan pang estudyante sa room at nag-aayos pa ng gamit. “Bakit?”
“You know, para naman magka-privacy kayo.” Nakangiting sambit nito sakin saka kumindat at saglit na tumingin kay Kei na nakanguso lang sa isang tabi at hindi ako pinapansin.
Nagalit ata talaga siya nung sabihin ko nung isang araw na kami na nga ni Bryan at ni hindi ko man lamang sinasabi sa kanila. Naghiyawan at nag-apiran agad ang mga kaklase ko na wari mo’y kinikilig nang marinig nila ang sagot ko. Akala ko’y magtatampo lamang si Kei at matutuwa din naman pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap. Ni tignan man lang ako ay hindi niya magawa.
“Kei.” Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa tagiliran. “Wag ka na magtampo, please?”
Pinagsupladahan lang ako nito at inismiran. Niyakap ko siya ng mas mahigpit at pinatong ang ulo ko sa balikat niya saka lumabi.
“Wag ka na magalit, please? Hindi naman totoo ‘yun eh.” sabi ko saka tumingin kay Janice na ngayon ay malaki ang ngiti.
“Hindi totoo?” bakas sa maliit nitong mukha ang pagkalito nang lumingon sakin at alisin ang yakap ko sa kanya para makaharap ako. “Panong di totoo?”
“Di naman kami.”
“Hindi kayo?”
“Oo.”
“Eh bat sabi mo…”
“Niloloko ka lang namin ni Janice.” Putol ko sa sasabihin niya.
Nanatili lamang itong nakangunot ang noo ngunit pagkalipas nang ilang segundo ay lumapit ito sa akin at kinurot ang tagiliran ko.
“Kayo talaga!” at lumapit din ito kay Janice para kurutin ito. “Nagdrama lang ako sa wala!”
“Ikaw naman kasi eh!” sigaw ni Janice habang tumatawa. “Masyado mong dinibdib!
“Eh kasi naman eh!” maktol nito.
“Wag ka naman kasing excited.” Tumatawa kong sabi dito. “Yaan niyo, pag nagka-boyfriend ako, kayo agad makakaalam.” Nakangiti kong sabi sa kanila.
“Promise ha!” pagsusupladang tanong ni Kei.
“Oo na po!” tumatawa kong sabi. “Pero dapat ikaw din, ha? Dinig ko lagi daw kayo nakikita ni Mark na magkasama tuwing uwian ah?”
Agad na namula ang pisngi nito at yumuko.
“Sino naman may sabi niyan? Wala lang ‘yun ‘no!” pagtanggi nito.
“Sus. Wala daw.” Parinig ni Janice. “Ang sabi nang notebook mo na puro Mark at heart sa likod ang nakalagay?”
“Janice!” impit na tili ni Kei na wari’y nahihiya. Patuloy lang kami sa pang-aasar sa kanya nang mapatigil kami dahil may nadinig kaming kumatok sa pinto.
“Bakit, Kristine?” dinig kong tanong nang kaklase kong pinakamalapit sa may pintuan.
“Uh.” bakas ang pagdadalawang-isip nito habang nililibot nang tingin ang silid namin. “Nadyan ba si ano. Uh, si Moe?"
“Si Moe? Wala eh. Kanina pa lumabas.”
“Ah. Okay.” Dismayadong sagot nito. “Sige. Thank you.” Nakangiti nitong paalam.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tanawin si Kristine habang naglalakad palayo. Hindi ko din mapigilang ikumpara ang sarili ko sa kanya. Pansin ko nga ding halos lahat nang madaraanan niya ay napapatigil at napapalingon sa kanya. Sino nga ba namang hindi mapapatingin sa ganda at pagka-sopestikada niya?
“Sila pa ba ni Elmo?” napalingon ako kay Kei sa sinabi niya.
Kumibit balikat lang si Janice. Hindi naman kasi talaga mahilig sa chismis si Janice. Pag gusto mong makasagap nang pinakabagong balita, kay Kei ka dapat magtanong.
“Kasi alam niyo, narinig ko kanina nung nasa CR ako na hindi na daw madalas makita na magkasama sina Kristine at Elmo. Tas ayan, ngayon sinadya na ni Kristine si Elmo. Ibig sabihin hindi sa kanya pumunta si Elmo nung lumabas nang room."
"Aba, malay ko. Sakin mo itatanong." pagsusuplada ni Janice at nagsimula nang maglakad palabas ng silid.
"Eto naman." reklamo ni Kei. "Nagtataka lang ako eh, hindi kaya may bagong kinahuhumalingan 'yang si Magalona?"
BINABASA MO ANG
Makapiling Ka
RomanceLahat gagawin 'ko para sayo. Kahit tumalon pa 'ko sa bangin, kahit lumunok pa 'ko ng bubog, kahit kumain pa 'ko ng apoy. Kahit nga palitan 'ko pa ang kasarian 'ko eh. Tanga ba? Wala eh. Mahal kasi kita. Kaya nga handa 'kong gawin lahat, para makapil...