Kabanata 2
"PARDS!" napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa pagsigaw niya.
"Oh? Tapos na kayo agad?" tanong ko sa kanya nang makita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. Paulit-ulit akong nagmumura sa isip ko habang papalapit siya sakin. Imbis kasi na magmukha siyang nakakadiri dahil sa pawis niya, eh, lalo siyang gumwapo sa paningin ko.
"Hindi pa. Pahinga lang muna.”
"Ah. Dun ka na."
"Ha? Bakit naman?” kunot noong tanong nito sakin. “Ikaw ha, pansin ko, pag nagpa-practice kami, lagi mo kong tinataboy." sabi nito at inamoy pa ang sarili. "Hindi naman ako mabaho ah?"
"Shungaers! Hindi no. Gawa kasi ng mga fans mo kuno."
"Oh? Anong meron sa fans ko kuno?" ginaya pa nito ang paggalaw nang kamay ko, natatawang napairap naman ako sa kanya dahil doon.
"Ang sama lagi makatingin eh."
"Sus. Di ka na nasanay? Eh apat na taon nangg ganan ng mga yan."
Yeah right. Apat na taon na nga. Apat na taon na kitang lihim na minamahal. Gaga ko ‘no?
Apat na taon na kong hindi nagbe-bistida, apat na taon na kong hindi nagpapalda, apat na taon na kong lagi lang naka t-shirt. Apat na taon na kong laging naka pantaloon, apat na taon na ko nang hindi ginagamit yung mga doll shoes at sandals ko kasi apat na na taon na kong lagi lang naka rubber shoes. Pano ba naman? Eh 'tomboy' nga ako diba?
“Uy.” Siko nito sakin. “Ano na namang iniisip mo?”
Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Naiinis kasi ako. Tomboy nga kako kasi ako kaya kailangan kong pangatawanan ‘yun. Kahit mahirap. Kahit nakakapagod. Kahit nakakasawa. Gusto ko kasi siyang makasama. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong makalapit sa kanya. Gusto kong gawin ang mga bagay bagay kasama siya.
Kasi nga mahal ko na pala siya. Kailan ko siya minahal?
Hindi ko din alam. Basta naramdaman ko nalang isang araw mahal ko na pala ‘tong gagong ‘to. Ni hindi ko nga akalain na ‘yung pangongopya niya nang assignment ko ang magiging dahilan para maging malapit kami sa isa’t-isa.
Hindi ko nga din alam kung bakit sa hinaba=haba nang pinagsamahan namin, ni minsan, hindi ko naamin sa kanyang hindi naman talaga ako tomboy. Imbes, pinangatawanan ko pa ‘yung sinabi ko. Ewan ko, hindi ko alam. Siguro, natatakot ako na kapag inamin ko sa kanya, lalayuan niya ‘ko.
“Tibo.” Siko ulit niya sa akin.
Tinitigan ko lang siya. Minsan, gusto ko ng sabihin sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi naman talaga ako tomboy. Gusto kong sabihin sa kanya na babae naman talaga ako. Gusto kong sabihin lahat sa kanya para maamin kong mahal ko siya.
Pero para ano? Para kamuhian at layuan niya ‘ko?
Wag na lang. Baka mas lalo lang akong masaktan. Mas lalo akong masasaktan kapag nilayuan niya ako. Mas lalo akong masasaktan kapag sinabi niyang hindi niya ako mahal. Kaya wag na lang. Wala akong pakielam kung tawagin man akong tanga nang iba kapag nalaman nila ‘yung sitwasyon ko. Sigurado naman akong ganito din ang gagawin nila kung sila ‘yung nasa sitwasyon ko. Sigurado ako gagawin din nila lahat para sa mahal nila.
BINABASA MO ANG
Makapiling Ka
RomanceLahat gagawin 'ko para sayo. Kahit tumalon pa 'ko sa bangin, kahit lumunok pa 'ko ng bubog, kahit kumain pa 'ko ng apoy. Kahit nga palitan 'ko pa ang kasarian 'ko eh. Tanga ba? Wala eh. Mahal kasi kita. Kaya nga handa 'kong gawin lahat, para makapil...