Kabanata 6
“Tapatin mo nga ako Julie, iniiwasan mo ba ‘ko?” tanong niya kung kaya’t nag-iwas ako nang tingin.
“Ha?” pilit kong iwas nang tingin dahil pilit din niyang hinuhuli ang mga mata ko. “Bakit naman kita iiwasan?”
“Pansin ko kasi parang iniiwasan mo ko eh. Pag nagkakasalubong tayo sa hallway naiwas ka agad bago pa kita malapitan. Hindi ka din masyado nagrereply sa text ko.”
“Ha?” tumawa ako nang peke pagkatingin ko sa kanya. “Bakit ko naman gagawin ‘yun? Busy lang talaga ako.” Sabay bigay sa kanya nang pilit na ngiti.
“Sige na. Umalis ka na.” dagdag ko sabay tingin sa aking relo. “Male-late ka na oh.”
Hindi siya umimik, bagkus, tinitigan niya lang ako na talagang nagpalambot sa tuhod ko. Iba kasi talaga ang tingin niya, parang pati kaibuturan nang kaluluwa ko nakikita niya.
Nakakapanglambot, nakaka-taas nang balahibo, nakakawala sa sarili, nakakakilig.
Napakunot naman ang noo ko. Talaga, Julie Anne? Nagawa mo pang kiligin sa gan’tong sitwasyon? Napailing ako sa naisip ko.
“Galit ka ba sakin?” sabi niya pagkaraan nang ilang minuto.
“Ha?” maang-maangan ko saka siya tinignan sa mata. “Bat naman ako magagalit?”
“Baka kasi galit ka pa ‘rin gawa nung nangyari ‘nung isang linggo.”
“Ha?” maang-maangan ko ulit habang iniiwas ang mata ko sa kanya at saka tumawa ulit nang peke. “Bakit naman ako magagalit? Para ‘yun lang.”
Napansin kong napatigil siya dahil sa sinabi ko kung kaya’t napatingin na ako sa kanya nang diretso. Nakita kong napatiim bagang siya bago lumunok.
Kita ko ang galit sa mga mata niya. Bakit? May mali ba kong sinabi?
“Oo nga naman.” Bakas ang galit sa boses niya. “Para ‘yun lang magagalit ka? Wala nga lang pala sayo ‘yun. Di tayo talo, diba?” tumaas ang gilid nang labi niya na parang nangungutya.
Napaiwas ako nang tingin sa tinuran niya. Nasaktan ako sa sinabi niya. Sino ba namang hindi, diba? Para kasing ipinamukha niya na hinding hindi siya magkakagusto sakin dahil hindi kami talo. Dahil katulad niya, babae din ang gusto ko.
“Kung sa bagay, pareho nga palang babae ang tipo natin, diba?” dagdag pa niya.
Napaiwas muli ako nang tingin sa tinuran niya at napa-tungo nalang.
Nakakainis naman si Elmo eh. Kailangan niya pa ba ‘yong sabihin? Oo, alam kong ako ang nagsabi sa kanya ‘nun pero hindi naman niya kailangang ipamukha.
Tanga ka din eh no? Mag-isip-isip ka nga. Syempre ang alam niya tibo ka. Gaga ka kasi eh.
Oo na. Wala na ‘kong karapatan masaktan. Ako nga may kasalanan diba? Wag mo nang ipamukha.
BINABASA MO ANG
Makapiling Ka
RomanceLahat gagawin 'ko para sayo. Kahit tumalon pa 'ko sa bangin, kahit lumunok pa 'ko ng bubog, kahit kumain pa 'ko ng apoy. Kahit nga palitan 'ko pa ang kasarian 'ko eh. Tanga ba? Wala eh. Mahal kasi kita. Kaya nga handa 'kong gawin lahat, para makapil...