Kabanata 21

1.7K 42 29
                                    

Kabanata 21

"Nung una kitang nakita nung first year tayo, nagustuhan na agad kita." may tonong basa ni Kei habang binabasa 'yung letter na nakita ko kanina na nakasipit sa libro ko. "Ilang beses kong sinubukang lapitan ka pero hindi ko magawa. Hindi ko pa alam nung mga panahong 'yun kung bakit pero nung nagtagal, napagtanto kong natotorpe pala ako."

Nakapalumbaba akong nakatingin kay Kei habang binabasa niya 'yung sulat. Si Janice naman parang walang pakielam at tuloy tuloy lang sa pagsusulat sa kanyang notebook. Lunch ngayon at nandito kami sa canteen. Tinignan ko 'yung pagkain kong hindi ko pa nagagalaw simula nang binili ko ito. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong gana.

"Mga ilang linggo simula nung nagpasukan, nagkalakas ako nang loob na lapitan ka na." pagpapatuloy nito. "Kaso huli na pala 'ko, kayo na pala ni Elmo 'nun."

Napatingin agad ako kay Kei at napadiretso nang upo nang marinig ko 'yung pangalan niya. Naramdaman kong parang hinalungkat 'yung tiyan ko dun sa isiping akala niya ay kami ni Elmo.

"Well," umpisa ni Janine na hindi nag nag-abala pang tumingin sa amin at ipinagpatuloy lang ang pagsusulat. "Sorry siya kasi hindi naman naging kayo ni Elmo. Nasayang 'yung pagkakataon niya dahil sa maling akala."

Napatigil ako dahil sa sinabi ni Janice. Ni hindi ko man lang napansing nakikinig pala siya kahit mukhang hindi. Pigilan ko man ang sarili ko, hindi ko maiwasang maisip si Elmo dun sa sinabi ni Janice. Na nasayang 'yung pagkakataon dahil sa isang malaking akala. Naalala ko kasi 'yung sinabi niya sakin 'nun nung nasa CR kami.

"Sinayang mo, Julie, eh. Iba sana tayo ngayon kung hindi ka nagsinungaling."

Napakagat labi ako. Ganun ba talaga 'yun? Na dahil lang sa isang pagsisinungaling at isang maling akala, maraming nasasayang?

"Eh natorpe nga daw kasi!" pagtatanggol ni Kei dito. " Anong magagawa niyo kung natotorpe siya? Kayo kaya manligaw?"

"Sinong natotorpe?"

Napalingon agad ako dun sa nagsalita. Agad kong napansin na nakasuot siya nang official jersey nang school. Marahang umiling dito nang nakangiti nang makita kong nag.

"Sinong natotorpe?" baling nito kina Kei nang mapagtantong wala akong balak na sumagot.

"Iyong nagbigay ng letter kay Julie." sabi nito sabay pakita nung letter.

Agad namang niyang kinuha iyon saka umupo sa tabi ko.

"Grabe ka naman, Bryan!" maktol ni Kei dahil sa ginawang paghablot ni Bryan dun sa papel. "Di ko pa tapos basahin eh! Sakim lang?"

Imbes na sumagot, matamang binasa ni Bryan 'yung sulat. Napapansin ko ding napapakunot noo siya habang binabasa 'yung sulat.

Agad akong napatingin sa may pintuan nang canteen nang marinig ko ang malalakas na halakhak nang kalalakihan na nakasuot nang official jersey nang school. Tinignan ko sila isa-isa at napako ang tingin ko sa kanya. Nilibot nito ang kanyang tingin sa kabuuan nang canteen at napasinghap ako nang tumigil ang paningin nito sakin. Nanatili itong nakatingin nang matiim sakin at binalewala ang ka-team niyang kinakausap siya at wari'y may sinasabing nakakatawa.

"Manliligaw siya ngayon?" naagaw nang mapang-uyam na tanong ni Bryan ang pansin ko. "Huh." dagdag pa nito. " Sorry siya pero kung inaakala niyang may pag-asa na siya ngayong hindi naman pala kayo ni Magalona, nagkakamali siya."

Napatingin ako kay Janice nang mapatigil siya sa pagsusulat at napatingin kay Bryan. Maging si Kei ay napansin kong napatigil sa pagsubo nang pagkain niya.

Napatingin ako kay Bryan nang hawakan nito ang kamay kong nasa ibabaw nang lamesa. Napalunok ako nang makita ko kung gaano kalalim 'yung tingin niya sa akin. Gusto ko mang bawiin at tanggalin 'yung kamay ko mula sa pagkakahaaak niya, hindi ko magawa dahil para akong nabato at hindi makagalaw sa kinauupuan ko.

"Ayokong tumulad sa kung sino mang poncio pilato'ng gumawa nang letter na 'yan, Julie." umpisa nito at naramdaman kong pinisil nito ang kamay ko. "Ayokong sayangin 'yung pagkakataon ko kaya hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa."

Ramdam ko 'yung malakas na pagkabog nang dibdib ko. Sa isip ko, matiim kong dinadasal na sana 'wag. Na sana 'wag ituloy ni Bryan 'yung binabalak niya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa pagkaka-ibigan namin sa oras na tanggihan ko siya at sabihin kong hindi.

"Pwede ba 'kong manligaw?"

Napapikit ako nang mariin dahil sa sinabi niya. Narinig ko rin ang sabay na pagsinghap ni Kei at Janice ngunit hindi iyon ang nakapagpamulat sa akin. Narinig ko kasing may tumatawag sa kanya sa likod ko kung kaya't napamulat ako.

"Elmo!" dinig ko ang boses na iyon malapit sa likuran ko lamang. "Ano bang tinatayo tayo mo diyan? Halika na!"

Sa pagmulat kong 'yon, nakita ko siya. Nakita ko siyang nakatayo sa may bandang likuran nina Janice at binibigyan nito nang isang matalim na tingin ang magkahugpong naming kamay ni Bryan. Nakita kong napahinga ito nang malalim sabay ang pag-irap bago tumalikod at nag-umpisang maglakad. Alam kong rinig niya ang tawag sa kanya nang mga ka-team niya ngunit hindi niya iyon binigyan nang pansin, imbes ay nagdire-diretso ito palabas sa pinto.

"Julie?"

Napatingin ako kay Bryan nang tawagin niya ako. Pabalik balik ako nang tingin sa kanya at sa pintong pinaglabasan ni Elmo. Napabuntong hininga ako at napapikit dahil sa pinili kong desisyon.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito nang marahan kong higitin ang kamay ko. Dahan dahan akong tumayo. Humarap ako sa kanya at nagsalita bago ako tuluyang umalis.

"Sorry, Bryan."

Sorry, Bryan, dahil naibigay ko na sa iba ang puso ko. At alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko na 'yon mababawi pa.

"MOE!" tawag ko sa kanya habang mabilis na naglalakad. Kanina ko pa siya tinatawag nang mapansin kong kami nalang ang tao sa paligid ngunit hindi man lang siya lumilingon.

"Elmo, ano ba!" hiyaw ko saka hinigit ang damit niya nang mapansin kong abot kamay ko na siya. Napahinto naman ito ngunit hindi pa rin ito lumilingon sa akin.

"Moe." mahinang bulong ko habang hinahabol ang hininga ko. Kanina ko pa siya hinahabol ngunit hindi ko siya matawag kanina dahil maraming taong maaaring makarinig. Nagkaroon lang ako nang pagkakataon na tawagin siya nang mapansin kong nadito na kami sa garden na kung saan lagi kaming nagkikita noong nagpapanggap pa akong tibo.

Napasinghap ako nang humarap ito sakin bigla at kabigin ako. Naramdaman ko na lang na nakatuon ang ulo ko sa dibdib niya kung kaya't rinig na rinig ko kung gaano kabilis at kalakas ang pagtibok nang puso niya.

Napapikit ako nang ipalibot nito sakin ang naglalakihang braso niya at nang kabigin pa 'ko lalo nito patungo sa kanyang dibdib. Napangiti ako dahil sa kabila nang pagiging pawisan niya, naaamoy ko pa rin sa kanya 'yung paborito kong pabango para sa kanya na lagi kong ibinibigay sa kanya noon kahit wala namang okasyon.

"Akin ka na, diba?" nakiliti ako nang ibulong nito 'yon sa aking tenga. Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon sa kanya. Alam kong kasalan 'tong ginagawa namin ni Elmo. Pero nang itanong niya sakin kagabi 'yung mga katagang 'yon, hindi na 'ko nakapagpigil pa. Kabit na kung kabit, pero mahal ko siya.

"Akin ka lang." masuyo nitong sabi saka hinalikan ang sentido ko pababa sa ilong ko.

"Sa'yo lang ako." sabi ko habang nakatingin nang taimtin sa kanyang mga mata.

"Manliligaw siya sayo?" tanong nito pagkatapos akong higitin ulit para yakapin nang mahigpit. "Huh. Sorry siya pero kung inaakala niyang may pag-asa na siya ngayong akala niya'y hindi naman tayo, nagkakamali siya."

Nakulong ang mahinang tawa sa aking bibig na para sana'y sa panggagaya niya kay Bryan nang hawakan ako nito sa aking batok at kabigin ang aking ulo para halikan. Ipinulupot ko ang aking magkabilang braso sa kanyang leeg at kinabig siya palapit sakin.

Wala na 'kong pakielam kung may matapakan at masaktan man kami dahil sa relasyon naming ito. Siguro nga, bulag na 'ko dahil sa pagmamahal ko kay Elmo. Pero ayos lang, ayos lang kahit may kahati ako. Ayos lang kahit ako 'yung kumakabit dito. Ayos lang sakin kahit ano. Basta ba alam kong akin siya, basta ba kasama ko siya.

Makapiling KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon