CHAPTER 4: His FIRST revenge...

34 3 0
                                    

CHAPTER 4: His FIRST revenge...

"Look at her. She's so pathetic."

"Ang kapal niya. Hanggang ngayon pumapasok pa rin siya."

"She doesn't belong in this school."

"Mapapatalsik din yan ni PAPA JASPER natin."

Grabe sila. Kakapasok ko pa lang, ganyan na. 3 days. 3 days ng ako ang pinag-uusapan. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila nakakalimutan yun nangyari between me and their prince, JASPER.

Siya may kasalanan nito eh. Kung hindi niya ko pinatulan, edi sana wala ng ganito. Pero parang ako rin eh. Kung hindi ko sinabi yun, edi sana peaceful ang life ko. Hindi ko naman kasi alam na maririnig niya eh. Kahit papano kaya ang layo ng table nila sa cr. Paano siya napadpad dun? Tsaka bakit siya nakikinig sa usapan namin ng bessy ko? Chismoso lang? tsk tsk tsk.

Pero seriously, disappointed ako. Bakit? Syempre, di ba tinuring ko siyang PRINCE CHARMING ko? First time yun ah. Kasi iba yung meaning sakin nun. Pag sinabi kong ang lalaking yun ay prince charming ko, ibig sabihin, siya na rin ang magiging 1st BOYFRIEND ko. Pero parang hindi mangyayari, eh. Kaya sayang lang. :(((

Nagtataka rin ako kasi 3 days na since nangyari yung 'canteen incident' na yun. Di ba sabi niya he'll have his revenge? Bakit ang tagal naman? 3 days na eh. Oops, hindi ko hinihintay noh. Hindi ko rin pinaghandaan. Gusto ko lang mangyari na para matapos na tong gulo. Baka kasi madamay yung scholarship ko kung mag-aaway pa kami, right?

"Bessy, sabihin mo lang kung susugod na ko. Kanina pa ko nanggigigil sa mga bisugong yun eh" - sabi ni Katie sabay nguso sa mga babaeng nagsabi ng ganun sakin.

"Bessy, bayaan mo na sila. Syempre prince charming nila yung kalaban ko kaya sila ganyan sakin. Matatapos din yan this next few days, ok?" - Ako. Pero ako rin gigil na sa kanila eh. Kalmado lang tsaka todo ang pagpipigil ko sa kanila.

"Di ba prince charming mo din siya noon? Hindi na ba ngayon dahil nalaman mong siya si Jasper?" - tanong niya. Papunta nga pala kami ng classroom. As usual, lahat sila nakatingin sa amin, sakin.

"Oo nga. Pero dati yun, hindi na ngayon. Siguro dahil nga sa nalaman kong siya yung Jasper na kinamumuhian ko. Tsaka na turn-off na rin ako sa kanya eh. Pati ba naman babae, pagbabantaan ng ganun?" - Ako.

Tandang tanda ko pa yung sinabi niya sakin that time. 'Be ready for the next few days. Coz I'll have my revenge. And if that happen, I'll make sure you'll hate me more.'  Oh di ba? Ang rude!!!

* lunch time *

Mabilis ba? Ganun talaga. Hindi ko nga namalayan na lunch time na eh. Wala rin akong natutunan kanina. Badtrip. Iniisip ko kasi kung aong ibig sabihin niya sa REVENGE thingy niya eh. Nakakakilabot tuloy.

Wala rin pala akong kasama maglunch. Si bessy kasi, pinatawag dun sa court, may next school game na naman daw sa basketball eh. Cheerleader kaya siya. Kaya kailangan niya talaga dun.

Pagkatapos kong bumili ng lunch ko, umakyat ako sa rooftop. I decided kasi na dun na kumain para naman hindi nila mahalata na loner ako. Tsak pagtitinginan lang nila ako eh.

*chomp chomp chomp*        (kumakain na ko ah)

* booogggsshhhh *

Napatingin ako sa pinto. Dun kasi galing yung tunog eh. Pagtingin ko, may 3 lalaki. May hawak silang platik tapos timba. Pagtingin ko sa kanila, nakatingin din sila sakin.

"Miss, ikaw ba si Angela Mae Dizon?" - tanong nung guy. Ang cute niy, infairness. Well, cute silang tatlo.

"Oo, bakit?" - tanong ko sabay tumayo.

Playing Cat and Mouse in Love! <333Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon