CHAPTER 13: Ice cream...

30 3 0
                                    

CHAPTER 13: Ice cream...

ANGELA'S POV

Isang linggo na ang lumipas... Ano'ng nangyari sa isang linggong yun? Wala naman. Medyo naging comfortable na din kami ni Yabang sa isa't isa.. Kulitan.. asaran.. pikunan.. sigawan.. Yan lang naman ang mga ginagawa namin eh.

Minsan nagsisimula kami sa pag-uusap ng mga bagay na hindi naman talaga dapat pinag-aawayan.. tapos maya-maya magugulat ka kasi magsisigawan na lang kami... Gaya kaninang lunch...

*flashback

"Mas masarap nga yung cookies and cream flavor ng ice cream kaysa sa doble dutch!!!" - Yabang. Sabay-sabay kaming kumain ng barkada... Ryan, Francis, Patrick and bessy.. Parati na kaming magkakasama.

"Hindi!!! Mas masarap talaga ang doble dutch ah!!! Siraulo ka!!" - Ako.

"Ikaw ang siraulo dyan!!! Basta!! Cookies and cream!!!" - Yabang

Pinagtitinginan na nga kami ng ibang students eh.. Pero parang wala lang sa'min. Tuloy lang sa pag-aaway.

"Doble dutch!!! Makinig ka nga sa matalino minsan!! Kasi ang bobo mo!!!" - Ako

"Ikaw ang makinig sa expert sa ice cream!! Kasi mas bobo ka!!" - Yabang

"Baliw!" - Ako

"Bruha!" - Yabang

"Walang kwentang tao!! Bahala ka sa buhay mo!!" - Ako sabay kain na.

"Mas wala kang kwenta!! Bahala ka din sa sarili mo!!" - Yabang sabay kain din.

== end of flashback == 

At yan nga ang nangyari... Hanggang ngayon magkaaway pa rin kami... Ewan ko kung kelan kami magbabato ngayon..

Oh di ba? Ang babaw lang ng away namin!! ICE CREAM!!! Flavor ng ice cream lang!!! Pero hindi na kami katulad ng dati na hindi magkatinginan. Ok na kami.

*uwian

"Punta ka sa bahay? Magluto daw si lola ng favorite mo mayang dinner. Invite daw kita." - Sabi ko kay bessy habang papunta kami sa locker namin.

"Wow! Talaga? Magluto si lola ng tinola mamaya? Yey!! Punta ako mamaya sa inyo!!!" - Katie. Close na sila ni Lola dati pa. Favorite niya yung luto ni Lola na tinola kasi yun yung first time na kumain siya nun... Ewan ko dyan kung bakit..

Nag-usap pa kami ng kung ano-ano hanggang sa may humila sa akin.

"What the??? Bitaw nga!!" - sabi ko sa kanya. Siguro naman alam niyo na kung sino 'tong mapangahas na 'to..

"We're going somewhere.." - sabi niya sabay hila na ulit sa'kin..

"Saan ba tayo pupunta? Hindi mo ba nakita na kasama ko si Katie? Bulag ka ba?" - sabi ko habang sinusubukang tanggalin yung pagkakahawak niya sa wrist ko. Pero ang higpit ng hawak niya kaya hindi ko matanggal.

Hindi man lang siya umiimik nung papunta na kami sa car park kung saan nakapark yung kotse niya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" - tanong ko sa kanya nung nakasakay na kami. Pero wala talaga siyang sinasagot sa mga tanong ko. Seriously? Hindi niya sasabihin sa'kin?

Wala kaming imikan sa biyahe. Ayaw niyang magsalita? Fine!! Eh di wag!! Mapipi sana siya!!!

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang ice cream parlor...

Playing Cat and Mouse in Love! <333Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon