CHAPTER 8: My peace offering!!! ^__^
shrimp and lizard...
shrimp and lizard...
shrimp and lizard...
shrimp and li--------
"Hoy, bruha. Kanina pa kita kinakausap ah?! Kanina ka pa rin nakatulala!!!" -sigaw ng bessy ko. Uwian na namin. Hindi ko naman namalayang dumadaldal siya eh. HAHAH!!!
"Ha? Ano... Ano ba yun?" - Ako
"Kita mo na? Wala ka sa sarili mo noh? Bakit? Ano yang nasa isip mo? Dali!!! Kwento!!!" - Katie. Hindi ba ako magiging story teller neto? Lagi na lang akong pinapagkwento eh... Lola Bashang? HAHA.
"Eh kasi.... nag-iisip ako ng gagawin kong ganti para sa siraulong Jasper na yun dahil sa ginawa niya kanina." - Ako. Nasabi ko ba kasi kanina sa room yung nangyari kanina sa lab...
"Ah.. So, may naisip ka na?" - Katie
"Wala pa nga eh.. Tulungan mo naman ako..." - Ako
"Eh paano nga kita matutulungan? Hindi nga ako mahilig dyan." - Katie. Hindi pa kasi siya nakakapaghiganti sa lalaking umaway sa kanya. Hindi kasi yan inaaway ng lalaki... ganda kasi eh...
"Sabi ni Patrick, may allergies siya sa hipon... at may phobia naman siya sa butiki..." - Ako
"Yun lang? Eh madali lang pala yang problema mo eh. May solusyon ako..." - Katie
"Talaga? Ano?"- Ako
Tapos sinabi niya sakin yung naisip niya. Grabe, ang talino naman ng bessy ko... Akalain niyong maiisip niya yun? Ang slow ko kasi eh...
* sa bahay *
"Apo, ano ba yang ginagawa mo?" - Lola
"Wala po, la. Regalo ko lang po sa classmate ko na friend ko rin na may birthday bukas. Sabi niya kasi gusto niyang matikman ang Macaroni ko." - Ako. Galing bang magpalusot? HAHA. Kanina ko pa kasi yan pinag-aralan eh.. Alam ko kasing magtatanong ng ganyan si lola.. Kaya nagready ako ng palusot...
"Ganun ba? Eh bakit may hipon kang binili?" - Lola
"Ahm... Ano po kasi... may iba pa po akong iluluto eh. Gusto ko pong matikman niya yung Kilawin ko." - Ako
"Eh sino ba yang kaklase mo at parang espesyal ata? Manliligaw mo ba yan? O boyprend mo na?" - Lola
"Lola naman eh. Syempre, friends lang po kami. Tsaka babae po yun noh." - Ako
"Talaga? Eh gusto mo ba ng tulong?" - Lola
"Hindi na po, lola. Kaya ko na po 'to. Sige na po. Akyat na po kayo sa kwarto niyo. Magpahinga na po kayo." - Ako. Kulit din kasi si Lola minsan eh.
"Sige, magpapahinga na nga siguro ako. Matulog ka na rin pagkatapos mong gumawa dyan. Pero bago yun, magligpit ka muna dito ah?" - Lola
"Opo lola. Goodnight po!!!" - sabi ko tapos kiniss ko siya sa cheeks. Syempre, sweet akong apo eh.. haha
Tinapos ko na yung ginagawa ko nung makaalis si lola. Binilisan ko na rin kasi inaantok na ako.
* morning *
Papasok na ko sa gate ng school namin. Excited na ko kung anong mangyayari ngayon. Palong palo 'tong gagawin ko sa kanya!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/1096750-288-k793509.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Cat and Mouse in Love! <333
RomanceNa-inlove ka na ba? Ano ba ang salitang LOVE? Sabi nila, ang love daw, masaya sa una. Pero pag tumatagal na, nagkakaroon na ng mga problema... Masama ba ang magkaroon ng problema sa isang relationship? Sa tingin ko naman, hindi eh. Kasi eto yung nag...