CHAPTER 16: The lost scholarship...
PATRICK'S POV
Andito ako ngayon sa bahay nila Angie. Oo.. alam ko na ang pagkawala ng scholarship niya. One week na din naman ang nakakalipas..
Nag-aalala talaga ako sa kanya. Paano na siya ngayon? Di na ba siya mag-aaral?
"Uiie, Pat. Ano na naman yang iniisip mo?"
"Ah.. wala.." - sabi ko sabay ngiti..
Maaga pa. Mamayang hapon ang trabaho niya. Gusto ko munang makasama siya...
"Umalis ka na nga."
"Ha? Bakit naman? Bakit mo 'ko tinataboy?" - sabi ko with a very sad voice para maguilty siya...
"Kasi po.. Friday ngayon. May pasok ka kaya!! Pumasok ka na!!" - sigaw niya. Hindi naman malakas kasi baka pagalitan kami ng lola niya pati ng mga kapitbahay nila..
Oo.. cutting class ako. Well, first subject pa lang naman eh... Tinatamad talaga akong pumasok ngayon.. Lalo pa kung wala na siya dun..
"Eh tinatamad akong pumasok eh." - sabi ko na may cold voice..
"Ah ganun." - tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa'kin sabay piningot ako.
"Arrraaaaaayyyy!! Tama na, Angie. Masakit! Awww!!!" - sigaw ko. Grabe talaga 'to.. sadista masyado..
Binitawan na niya yung tenga ko. Hinawakan ko naman kasi ang sakit talaga.. Namumula talaga..
"Tss.. sadista ka talaga" - sabi ko habang nakatingin sa kanya ng masama..
"HAHAHAHA.. Ganti ka na lang.." - sabi niya.. nilapit niya ung mukha niya sa mukha ko... Sh*t!! Ang lapit niya!!! Tapos nakapikit pa siya!!!
"Sige na.. ang tagal naman eh."
Ngumiti nalang ako.. Ang ganda niya talaga.. Lalo na 'pag nakangiti.. Ang tamis ng ngiti niya.
Kinurot ko na lang ng mahina yung ilong niya..Dumilat siya at sinamaan ako ng tingin. Ang cute talaga niya kahit kailan!!
"Ano ng balak mo ngayon?" - tanong ko sa kanya..
"Napag-usapan namin ni lola na since wala naman akong makuhang sponsor.. sa public na lang ako mag-aaral." - sabi niya at nahalata kong malungkot siya..
"Sa isang public school? Kaya mo ba dun?"
"Oo naman. One year na lang naman eh. Tsaka bakit ba kayo ganyan? Ano bang masama kung mag-aral sa public school?"
"Wala namang masama.. Nag-aalala lang kami sa'yo.."
"Hindi ko kailangan yan. Wala namang masama kung sa public ako mag-aaral ah.. Bakit parang sa inyo.. masasama lahat ng nag-aaral dun?"
"Hindi naman sa ganun.. Ok.. I'm sorry.. Hindi na mauulit.." - napakatampuhin talaga ni Angie..
"Hayyy... sorry, Pat ah. Medyo stress out lang ako ngayon. Alam mo na... hindi ko alam ang gagawin ko.."
"It's ok. It's not your fault, anyway. Gusto mo bang tulungan na lang kita sa paghahanap ng sponsor? Or ang family na mismo namin ang magiging sponsor mo.."
"Ayoko nga..." - mabilis niyang tanggi.
Ano bang problema nito? Ayaw na nga niyang magpatulong.. ayaw niya ring ako na ang bahala sa sponsor niya.. Mapride ba talaga siya?
BINABASA MO ANG
Playing Cat and Mouse in Love! <333
RomanceNa-inlove ka na ba? Ano ba ang salitang LOVE? Sabi nila, ang love daw, masaya sa una. Pero pag tumatagal na, nagkakaroon na ng mga problema... Masama ba ang magkaroon ng problema sa isang relationship? Sa tingin ko naman, hindi eh. Kasi eto yung nag...