CHAPTER 9.5: At the hospital with him...
Hayyss.... Andito pa rin kaming apat sa room ni Yabang sa ospital. At hanggang ngayon, gising pa ang loko. Naku... sana hindi na siya magising pa!!! HAHAHAHAH!!! Ang sama ko!!! >3<
"Sabihin mo na kasi, 'tol. Parang yun lang eh." - Francis
"Oo nga. Sasabihin mo lang naman yun eh. Bilisan mo nga..." - Ryan
"Hayyss... tigilan niyo nga akong dalawa. Ang gulo niyo ah!!! Naiinis na 'ko. Hindi ko nga alam buong pangalan niyan!!! >3<" - Patrick
HAHAHAHA!!! Ibang klase talaga ang dalawang 'to!!! Desperadong malaman buong pangalan ko. Yep... hindi pa rin sila sumusuko... Halos 2 hours na nilang kinukulit si Patrick. 5 o'clock na...At tignan mo ang isang 'to... halatang naiirita na!!! HAHAHAHAHA!!!! Imba talaga!!! Syempre kasalanan niya yan.. pinaglaruan niya ko kanina tsaka pinagtripan.. kaya ngayon siya naman ang pagtitripan at paglalaruan ko... OO... hindi niya nga talaga alam whole name ko. Wala lang... trip ko nga siya eh.. kaya yan ang napapala niya... ^_____^
Hayyss... ang tagal naman talagang magising ng mokong na yun. 5 o'clock na oh!!! Nagugutom pa rin ako kahit kakakain lang namin ng binili ng dalawa.. Kasi naman, ang binili eh mga JUNK FOODS? Sino naman ang mabubusog dun? Sige nga? Nakakainis talaga ang lalaking yun!!! Bakit nga ba ako nandito? Syempre, nakokonsensya ako!!! Kahit naman hindi halata sakin, may konsensya naman ako. Below the belt na ata yung nagawa ko kaya andito ako hindi para magsorry... kundi para tanungin kung ok na siya paggising niya... HINDING HINDI AKO MAGSOSORRY DUN NOH!!! OVER MY DEAD BODY!!!
* after 2 hours ulit (7 o'clock na!!!) *
Kaming dalawa na lang ni Patrick ang nandito. Umuwi na ang dalawang kumag nang malungkot.. Paano ba naman kasi... hindi nila nalaman whole name ko dito kay loko eh... HAHA.. Pero ok lang.. pwede naman nila akong tawaging MIMI kahit hindi nila nalaman...
* YOUNG, WILD AND FREE soundtrack *
Oops.. may tumatawag pala sa kanya... Ang ganda ng ring tone niya ah.. ASTIG!!! Lumabas muna siya para sagutin yung call..
Pagbalik niya...
"Hmm... Angie, I have to go. Tumawag kasi si mommy.. Nagpapasundo siya sakin. Galing kasi siya ng shop niya.. Hmm.. then kakain kami sa labas kaya kailangan ko ng umalis. If you want, sama ka na lang sakin. Dinner tayo with my mom. ^___^" - Patrick
HUWAAAT??!!! Magdidinner kasama mommy niya?!!! No way!!! AYOKO!!! >3<
"Ha? Ahm, sige... wag na. Dito na lang ako. Wala ng magbabantay sa lokong 'to eh." - Ako
"Ganun ba? Pero hindi na 'ko makakabalik dito. Paano ka uuwi?" - Patrick
"Ano ka ba? Edi magcocomute na lang ako. Problema ba yun? ^_^" - Ako
"Magcocomute ka? Delikado na ah.. Baka mapahamak ka.." - Patrick
"Hindi yan. Ang OA mo naman. I can protect myself naman eh." - Ako
Matapos ang mahaba-habang pagtatalo... nanalo pa rin ako. Ang kulit kasi neto eh.. Ngayon, mag-isa na lang ako dito nagbabantay kay Yabang. Grabe kasi 'to eh.. nasarapan sa pagtulog... tulog mantika!!!
* poke poke poke *
Hayyss... ano ba yun? Bakit may nangangalabit ata sakin? Badtrip naman ohh.... natutulog yung tao eh..
* poke poke poke *
"Hmmm???" - Ako
Grabe talaga oh!!! Paepal masyado.. Sino ba 'to? Hindi niya ba nakikitang busy ako sa pagtulog?
![](https://img.wattpad.com/cover/1096750-288-k793509.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Cat and Mouse in Love! <333
RomanceNa-inlove ka na ba? Ano ba ang salitang LOVE? Sabi nila, ang love daw, masaya sa una. Pero pag tumatagal na, nagkakaroon na ng mga problema... Masama ba ang magkaroon ng problema sa isang relationship? Sa tingin ko naman, hindi eh. Kasi eto yung nag...