CHAPTER 18: He's with who?
As expected, ayun! Di nga ako nakatulog kagabi! Kaya eto ako ngayon! Bangag as in BANGAG!!!!
Bakit? Kasi para na akong zombie!
Ang laki ng eye bags ko!
Ang Yabang na yun ang dahilan nito!
Bwisit siya! Di niya ko pinatulog!
Ang saya ko ngayong araw na 'to. And it's all because of you....
WAAAHHHHHH!!!
Ayan na naman!!!!
Thanks again, Angela. Today is my most memorable day ever. I won't forget this day, ever....
ARRGGGHHH!!!
Nbato ko yung unan ko sa sahig!!!
OK! Calm down Angela----
Teka, pati ako nag eenglish na!
Nakakahawa ang Yabang na yun!
Ok... Kalma, Angela...
Yun lang di ka na makatulog?
Masyado ka lang madaming iniisip...
Pero... Bakit pati yun iniisip mo pa din??!!!
Salita lang yun....
Angela, niloloko ka lang niya.
Tss... most memorable day?
WHATEVER!!!!!!
Pero... kiniss niya ko!
Sa cheeks!!!!!!! >___<
"AAAHHHHHHHHHHHH!" - sigaw ko sabay bato ulit ng isa pang unan sa sahig at nilagay ko ang mukha ko sa kama.
OA ba? Well, ganito talaga ako 'pag kulang sa tulog!! Nagiging aning! At ayoko ng side kong yun! >_<
Bwisit kasi yung Ya---------
"Angela, apo? Aba, ano'ng nangyari sa'yo? Bakit ka sumigaw?" - tanong ni lola mula sa pinto ng kwarto ko. Kumatok lang siya. Naka-lock ung pinto eh..
"Ahhh,,, Wala po, lola! Ahm... masaya lang po ako ngayong araw!" - palusot ko naman kay lola. Grabe! Umagang-umaga makasalanan na agad ako!
"Ganun ba? Eh wag ka namang masyadong maging masaya. Baka nakakabulabog ka pa ng mga natutulog diyan sa kabilang bahay." - sabi naman ni lola.
"Opo lola!"
"At Linggo ngayon, mag- ayos ka na at magsisimba na tayo. Ayokong mahuli sa misa." - paalala ni lola
"OPO!" - sagot ko. Linggo pala ngayon? Hindi ko napansin. Wala kasi akong pasok simula last week eh... Teka.. Linggo na ngayon? Ibig sabihin... Monday na bukas??!!!
Dali- dali akong naligo, naghanap ng damit at nagbihis. Linggo ngayon. May misa nga. At bawal kaming malate ni lola. Ayaw niya ng ganun, di ba?
Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin, ay bumaba na 'ko. Nasa hagdan pa lang ako, naaamoy ko na agad ang almusal namin!
"Upo na, apo. At baka lumamig pa ang pagkain." - sabi sa akin ni lola nang makalapit ako sa lamesa namin.
"Grabe, lola. Nasa hagdan pa lang ako, amoy ko na ang niluto niyo!" - sabi ko kay lola.
"Naku, itong batang ito. Binola pa ang lola." - sabi naman niya ng may iling pa at naupo na din. Pareho pa kaming natawa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Playing Cat and Mouse in Love! <333
RomanceNa-inlove ka na ba? Ano ba ang salitang LOVE? Sabi nila, ang love daw, masaya sa una. Pero pag tumatagal na, nagkakaroon na ng mga problema... Masama ba ang magkaroon ng problema sa isang relationship? Sa tingin ko naman, hindi eh. Kasi eto yung nag...