CHAPTER 10: The consequence...
JASPER'S POV
Nandito na kami sa tapat ng gate ng bahay namin. Buong way papunta dito hindi kami nagkibuan. Siya kasi eh... sinira agad ang araw ko.. Tinatanong niyo ba kung bakit siya nandito? Well, sabi niya sasamahan niya daw ako para malaman niyang safe ako na nakauwi. NAKNGTETENG!!! Kelangan ko ba yun? Eh siya nga dapat ang umalis na dahil may class pa...
"Young master.." - bati sa'kin ng komadrona dito sa bahay nung nakapasok na kami. Tiningnan ko yung kasama ko kung natatawa dahil Young master ang tawag sa'kin. Pero wala naman siyang reaksyon dun. Nakatingin lang siya sa buong bahay namin at parang amaze na amaze sa nakikita niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
"Ms. Lourdes, pakainin niyo nga yan sa breakfast tapos ipahatid niyo kay Mr. Bernard sa bahay nila." - sabi ko sa komadrona namin tapos paakyat na sana sa room ko pero tinawag ako ni Witch. OO.. witch ang tawag ko dyan..
"Magpagaling ka mamaya ah. Inumin mo yung gamot na nireseta sa'yo ni Doctora. Nabili ko naman lahat yun, di ba? Nasa'yo na rin. Basta wag mong hayaang mag- alala ako sa'yo." - Witch
Nagulat ako sa sinabi niya. Siya ba talaga nagsabi nun? Hindi kapani-paniwala eh. Kaya dahil sa sinabi niya.. napangiti na lang ako sa kanya.. napangiti rin naman siya sa'kin.
Nang nasa kwarto na 'ko, hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi niya. Paulit- ulit sa tenga ko. Parang ang sarap pakinggan... Hanggang ngayon nakangiti pa rin ako dahil dun. Naalala ko rin yung pagngiti niya sa'kin kanina. Parang bumilis yung tibok ng puso ko.. First time kong maranasan yun... Grabe.. cloud nine!!!
ANGELA'S POV
Waaahhhhhhhhhh!!!!!! Nakakahiyaaaaaaaaaaaa!!! Sinabi ko ba talaga yun?! Sa kanya pa talaga!!!! Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung mga sinabi ko sa kanya..
"Magpagaling ka mamaya ah. Inumin mo yung gamot na nireseta sa'yo ni Doctora. Nabili ko naman lahat yun, di ba? Nasa'yo na rin. Basta wag mong hayaang mag- alala ako sa'yo.."
Waaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!! Eto na namaaaaaaaaaan!!!
Andito na 'ko ngayon sa school, sa classroom namin at nagtuturo na ang prof ko. Pero kanina pa 'ko walang natututunan.. Wala akong maintindihan sa mga tinuturo nila.. Kanina pang first subject hanggang ngayong last subject before lunch pa 'ko wala sa katinuan.. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin!!!
* krrrriiiiiiiinnnnnnnnnngggggggggggggg *
Lunch time na.. Lumapit na sa'kin si Katie pero wala pa rin ako sa wisyo.. Hindi pa bumabalik ang katinuan ko..
"Hoy, bessy. Ano na bang nangyari sa'yo? Kanina ka pa wala kibo ah?" - Bessy. Naglalakad na kami papunta ng canteen.
"Angie, may problema ba?" - Patrick. Teka, kelan pa siya dito? Hindi ko napansing kasama na namin si Patrick..
"Naku, Patrick. Pagpasensyahan mo na yan. Baka kulang sa tulog kaya hindi makausap ng matino." - Katie.
"May sakit ka ba?" - Patrick sabay hawak sa noo ko. Umiling na lang ako.
"Kamusta na si Jasper? Anong oras ka nakauwi galing sa hospital kagabi?" - Patrick. Nagulat kaming dalawa sa sinabi niya. Si Katie nagulat dahil hindi niya alam ang nangyari. Ako naman.. nagulat dahil hindi ko aakalaing sasabihin niya yung tungkol dun.
"Ano yung tungkol kay Jasper? Ha, bessy?" - Katie na nakatingin sa 'kin ng nakakaloko.
"Ano ba yang tingin mo, Katie? Na-ospital lang yung tao kaya binisita ko." - Ako
"Bakit mo naman binisita? Di ba nung nakaraan lang eh galit ka dun? Kinamumuhian mo nga siya eh. Pero bakit ngayon? Ikaw ah..." - Katie na siniko ako.
"Tigilan mo nga ako. Feel ko kasi ako yung may kasalanan kung bakit siya nasa ospital kaya binisita ko lang naman siya. Masama ba yun? Nagi-guilty ako eh." - Ako sabay upo na sa upuan siyempre.. sa canteen...
"Oo na. Sabi mo eh. Basta magkwento ka na lang ng mga nangyari maya. K?" - Katie
Kumakain na kami ngayon. Si Patrick yung bumili kasi libre na din daw niya. Ang yaman noh? Palibre libre na lang... Habang kumakain kami, dumating yung dalawa kong anak.. HAHAHAH... Sino pa nga ba? Eh di sina Ryan at Francis!!!
"Wow... Sarap naman ng lunch niyo, Mimi. Patikim naman." - Francis na akmang susunggaban ang pagkain ko...
"Ano ba, Francis. Tigilan mo nga si Mimi." - tumingin sa'kin. "Oo nga pala, Mimi. Kaya kami pumunta dito kasi nga di ba may sakit si Jasper? Alagaan mo naman siya oh. Walang mag-aalaga dun eh."
"Ano?! Bakit ako? Di ba marami naman silang katulong dun? Tsaka pwede naman silang maghire ng nurse eh. Bakit naman ako pa?" - Ako
"Kasi nga, yung kupal na 'yun, hindi sumusunod sa iba. Ayaw na ayaw niyang binibigyan siya ng utos ng isang tao. Ayaw din nung magpaalaga sa iba." - Francis
"Ano naman yun sa'kin?" - Ako
"Siyempre, since ikaw naman yung dahilan neto, you should face the consequence. And that consequence is to take care of the guy today." - Ryan
Mahaba-haba ding pagtatalo ang nangyari bago ako napasang-ayon ng mga 'to. Ikaw ba naman pagtulungan ng apat na tao eh. Kasama pa bestfriend mo. Sino makakatanggi?
Pero...
Paano ko naman aalagaan ang isang taong kinamumuhian ko??!!
BINABASA MO ANG
Playing Cat and Mouse in Love! <333
RomanceNa-inlove ka na ba? Ano ba ang salitang LOVE? Sabi nila, ang love daw, masaya sa una. Pero pag tumatagal na, nagkakaroon na ng mga problema... Masama ba ang magkaroon ng problema sa isang relationship? Sa tingin ko naman, hindi eh. Kasi eto yung nag...