CHAPTER 9: At the hospital with him...

27 3 0
                                    

CHAPTER 9: At the hospital with him...

Nandito na kami sa ospital kung saan daw nakaconfine si Yabang. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung yung ginawa ko ba kanina sa kanya ang dahilan kung bakit siya nandito. Nasa elevator kami para pumunta sa room ni Yabang nang tumawa si Patrick...

"Hoy... Anong tinatawa-tawa mo dyan?" - Ako na nakatingin sa tumatawa pa ring kasama. Mahina lang itong tumawa dahil may kasama silang mga matatanda sa elevator.

"Hahaha.. wala.. naalala ko lang nung tumawag si Francis sakin kanina..." - Patrick habang tumatawa pa rin... Baliw ba 'to?

"Oh... anong nakakatawa dun?" - Ako. Medyo curious din ako kaya tinanong ko na..

"Sabi niya, kaya daw nandito si 'insan kasi nakakain daw ng shrimp. May isa daw kasing babae dyan na pumunta sa tambayan para daw makipagbati. May dala pa nga raw na MACARONI SALAD. Yun pala yung salad na yun, may kasamang hipon. HAHAHAHAH.... Tapos nung nakain na ni Jasper, bigla naman daw nilabas nung girl yung box na dala din daw nun. Ang ganda pa nga daw ng design nung box kaya hindi mo aakalaing... BUTIKI ANG LAMAN!!!! HAHAHAHA!!! Grabe talaga!!!" - Patrick na halos mamatay na sa kakatawa... Namula naman ako sa mga sinabi niya... natamaan ako eh..

"Oh.. anong nakakatawa dun?" - Ako na medyo tinarayan na siya.

"HAHAHAHAH... Nakakatawa kasi yung girl eh. Ang tapang tapang pa... Kilala mo ba yun?" - Patrick na nang-aasar.

"Tumigil ka nga dyan!!! Oo na!!! Ako na yun!!! Ako na yung girl na kinukwento mo!!! Masaya ka na?!!" - ako na medyo pasigaw na ang boses pero mahina pa rin kasi nga may mga matatanda kaming kasama sa elevator hanggang ngayon..

"Woah.. bakit ka umamin agad? Guilty?" - Patrick

"Alam mo... tumigil ka na nga dyan.. Pababain kita dito sa elevator eh.. Gusto mo?" - ako

"HAHAHA. Eto naman.. pikon ka masyado *mahinang kinurot ang pisngi ko* Bakit mo nga pala nagawa yun?" - Patrick.. Nang-aasar talaga ang isang 'to...

"Ok.. sige.. para matigil ka na.. Ginawa ko yun kasi nainis na 'ko sa kanya that  time. Ayoko talaga sa taong tinatakot ako... yung ginagamit yung weaknesses ko.. Kaya ko nagawa yun sa kanya... tsaka ikaw ang may kasalanan dyan eh..." - ako

"Hala.. bakit ako? Ako ba yung girl na yun?" - Patrick

"Eh kasi PO.. KAYO lang naman PO ang nagsabi sa GIRL NA YUN na bawal dun sa PINSAN NIYO yung hipon at butiki... Kung hindi NIYO PO kasi sinabi dun sa GIRL NA YUN.. edi sana PO wala PO dito sa ospital yung MAYABANG NIYONG PINSAN.. gets NIYO na PO?" - me wearing a sarcastic smile.

"Tsk tsk tsk.. ibang klase ka talaga.. you're one of a kind..." - Patrick

Hindi na kami nagpansinang dalawa... Wala rin naman akong sasabihin sa kanya eh...

"Naku iho.. bakit mo ba kasi inaway yang gerlpren mo? Yan tuloy, galit sayo..." - isang matanda na kasabay namin sa elevator.

"Naku lola. Mali po----"

"Tumigil ka nga dyan, Gracia. Hayaan mo silang mag-away paminsan-minsan. Ganyan talaga sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang ganyang mga tampuhan." - sabi naman nung isang lola

"Oo nga naman. Ang kyut nga nila eh. Naalala ko tuloy si Jose ko... res in pis aking irog... ganyang ganyan din kaming dalawa kung maglambingan..." - matanda # 3

Playing Cat and Mouse in Love! <333Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon