CHAPTER 2: My PRINCE CHARMING...

45 3 0
                                    

CHAPTER 2:  My PRINCE CHARMING...

Nandito pa rin ako, nakatulala kung saan ako iniwan ni Mr. Pogi. Grabe, akala ko OA lang mga tao dito. Akalain mong meron pala talagang gwapo sa school na to???

Well, hindi kasi ako naniniwal dati eh. Kahit nung sabi pa ni bessy na ang dami daw gwapo ang nanliligaw sakin dati. Oo. Believe it or not, marami talaga akong suitor dati. Hindi lang pala dati, hanggang ngayon may mga suitor pa rin ako. Kaso, dahil nga snob ang abot nila sakin, yung iba, sumusuko na lang. Yung iba naman hanggang ngayon suitor ko pa rin. If I know, may iba pa yung mga nililigawan... Tapos yung iba, welcome to the club. HAHA. Masyado na ata akong mayabang.

Pero iba kasi ang isang to. Parang namesmerized ako sa kanya. Kakaiba kasi ang taglay niyang kagwapuhan at kakisigan. Parang kay ADONIS... haha.. parang tanga lang..

Gusto niyo bang malaman ang physical appearance niya??

Wag na lang pala..

Baka kasi maging CRUSH niyo din eh....

Mahirap na....

Maagawan pa...

Pero dahil malakas kayo sakin....

At baka sabihin niyong ang OA ko....

Sige na nga... payag na ko... ^_________^

Well, si Mr. Pogi, matangkad.

Parang pangbasketball player yung tangkad niya.

Tapos, ang ganda ng color ng hair niya. May pagkabrown.

Maganda din yung eyes niya kahit hindi ko nakita yung color. Parang kay MARIO MAURER lang. haha.

Hindi din siya maputi, hindi rin naman maitim. Katamtaman lang. Moreno.

Hindi naman siya ganun ka-macho. Pangit naman yung ganun sa age niya eh. Pero ok lang.

Hindi siya mukhang lampa.

Siguro mga ka-age ko lang yun, 15 o 16. Ewan.

Tapos yung face niya, parang pang angel TULAD KO... Bumaba lang ata yun dito sa lupa galing sa langit eh. haha.

Basta overall....

Siya na ang PRINCE CHARMING ko...

* krrrrriiinnnngggg *

school bell yan... walang kokontra....

Sheklang bell yan.... Ginulat ako...

Wait......

Bell na?!!

Patay... Late ako sa 1st subject namin....

Kaya tumakbo ako na tumakbo hanggang sa nasa tapat na ko ng classroom namin. Mabilis ba?? hehe. Wag na kayong magtaka... may lahi kasi akong pagkakabayo minsan eh...

Pagsilip ko sa nakasarang pinto ng classroom namin (may aircon kasi, pangmayaman eh)...

YAHOOOOOH!!!!

Wala pa yung teacher namin kaya papasok na ko ng free.....

Pagbukas ko ng pinto....

    Oh, anong nangyari sa mga classmates ko? Bakit ganyan sila makatingin sakin??

Habang naglalakad ako ng nakayuko, nararamdaman kong halos lahat ng babae nakatingin sakin.. Bakit kaya??? Nuh problema nila???

Sa wakas, nakaupo din... Buti na lang bandang dulo yung upuan ko.. Kung hindi.... Naku....

Playing Cat and Mouse in Love! <333Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon