CHAPTER 6: Its HER turn...
Nandito na ko sa room ko. Buti na lang hindi na ko kinulit ni lola tungkol sa naghatid sakin.... Haysss.... what a day.. Ang daming nangyari ngayong araw na 'to. Siguro isa 'to sa memorable... Eh panung hindi magiging memorable, ikaw ba naman tapunan ng itlog at harina na para kang gagawing tinapay eh.... at hindi lang yun... ikaw ba naman nakakilala ng isang guy na kahit ngayon mo pa lang nakita parang 'almost perfect' na para sayo...
Paano ko nasabi yun? Syempre, ang bait bait niya kaya. Hindi ko nga akalaing hahanapin pa niya si bessy para lang hiraman ako ng uniform eh... Akala ko kasi, papasok siya sa class... kaso hindi pala.. NAgtataka lang ako.. bakit kaya ang bait ng lalaking yun sakin? To think na ngayon lang kami nagkakilala ah, nagkausap... Ang weird... Well, all I want to know is who's PATRICK?
Nagshower na ko... Ready to sleep na. Kakapagod kasi eh.. Nang nakahiga na ko...
* Ang ganda ko... Feel na feel ang long hair ko... Ang ganda ko... The lucky one magiging papa ko.. Ang ganda ko oh... *
May tumatawag sa cellphone ko... Wag na kaung umangal.. YAn ang ring tone ko eh. ANg ganda kasi ng boses nung batang kumakanta dyan eh.. Oo, bata nga kumakanta sa ring tone ko...
"Hello?"
(Hoy bruha ka!! Anung nangyari sayo kanina?)
"Ang boses mo naman bessy. Makasigaw ka talaga eh. Para kang kumakain ng megaphone!!!"
(At sino sa 'tin ang kumakain ng megaphone? Sumisigaw ka nga rin eh... Anyways, hindi ako tumawag para makipagsigawan sayo. Ano nga ba kasing nangyari sayo kanina? Sino yung guy na nagpunta sakin para hiraman ka ng uniform? Ha?)
Eto na naman si bessy... Ang dami pang sinasabi.. Daldal kasi eh..
"Oo na. Si Patrick yun.." tapos kinuwento ko na sa kanya yung nangyari kanina.. Simula nung tinapunan ako ng itlog at harina hanggang sa nakilala ko si Patrick.. hanggang dun din sa paghatid niya sakin dito sa bahay.. yung mga pinag-usapan naming dalawa...
(Tell me!! Sino yung mga ugok na yun na nagtapon sayo ng itlog at harina!!! Pinaplano ka ba nilang gawing tinapay?!)
Ang OA talaga ng bessy ko... Over protective pa sakin.. Kaya nga love na love ko rin yan eh...
"Bessy, hindi ko kilala yung nagtapon sakin ng mga yun. Tsaka, wala naman silang kasalanan eh. Napag-utusan lang sila. Sa katunayan nga, nagsorry sila sakin tapos nag-offer pa na ihatid ako pauwi para makapagpalit.. MAbait naman sila eh. Friends nga kami.."
(Friends?! Alam mo ba ang salitang FRIENDS bessy!!! Kung hindi ba naman sila uto-uto, bakit nila sinunod yung utos sa kanila kung alam naman nilang mali yun at the first place?)
"Syempre, sila rin mapapahamak kung hindi nila susundin yung utos sa kanila. Napag-utusan nga lang. Tsaka, bessy, hindi ka naman dapat magalit sa INUTUSAN eh... dapat kang magalit sa NAG-UTOS sa kanila.."
(Sino ba yang nag-utos sa kanila?!)
"Sino pa? Edi yung walang kwenta at nag-iisang JASPER LUIS SANDOVAL lang naman ang nag-utos sa kanila." nilayo ko na yung cellphone ko sa tenga ko. Alam ko namang sisigaw ang babaeng to eh..
(ANO?! SI JASPER LUIS SANDOVAL ANG NAG-UTOS SA MGA UTO-UTONG YUN?! YUNG TEAMCAPTAIN NG BASKETBALL TEAM?! YUNG OVER SA PAGKAGWAPO?! YUNG HINAHABOL NG MGA BABAE?! YUNG NAGING PRINCE CHARMING MO?!) See???
"Teka lang bessy. Napansin kong parang ang dami mong sinabing maganda tungkol sa kanya ah? Gusto mo kwento mo na life niya?"
(Grabe ka naman bessy. Syempre nadala lang ako ng emosyon. EMOSYON lang talaga yun. Anyways, paano mo naman nalaman na siya nga may gawa nun sayo? Any proofs??)
![](https://img.wattpad.com/cover/1096750-288-k793509.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Cat and Mouse in Love! <333
Storie d'amoreNa-inlove ka na ba? Ano ba ang salitang LOVE? Sabi nila, ang love daw, masaya sa una. Pero pag tumatagal na, nagkakaroon na ng mga problema... Masama ba ang magkaroon ng problema sa isang relationship? Sa tingin ko naman, hindi eh. Kasi eto yung nag...