CHAPTER 11: Talk about AWKWARD!!!
ANGELA'S POV
*ding dong*
Andito na 'ko sa tapat ng condo yunit ni Yabang. Ewan ko ba kung bakit napapayag nila ako na pumunta dito. At hindi ko alam kung bakit talaga ako nagpunta at pumayag kahit pwede ko namang tanggihan. Ang alam ko lang... kailangan kong pumunta dito.. kailangan ko siyang puntahan...
Habang nag-iisip ako... bilang bumukas ang pinto...
"Bakit ang tagal-------- Angela?" - Yabang. Talagang nagulat siya na nandito ako? Di nya siguro alam..
"Ah... kanina kasing lunch, pinuntahan ako nila Francis sa canteen. Sabi nila puntahan daw kita dito." - Ako. Medyo awkward ang atmosphere dahil nga sa mga sinabi ko sa kanya kaninang umaga. "Pwede bang pumasok?" binuksan naman niya yung pinto para makapasok ako.
Pagkapasok ko sa loob... namangha ako!!! Grabe!! Condo niya 'to?! Condo pa lang 'to? Bakit parang ang laki para sa isang tao?! At ang mga furniture, ang gaganda at talagang bago!!! Grabe!! Sila na!!! Sila na mayaman!!!
"Sorry sa abala. Pwede ka naman ng umuwi eh. Ok lang." - Nagulat ako sa sinabi niya.
"Bakit naman ako aalis? Di ba may sakit ka?" - Ako tapos lumapit sa kanya, hinawakan ang noo para malaman ko kung may sakit na nga siya.. "Kita mo? Ang taas na ng lagnat mo."
"Bakit ka ba nandito?" - Yabang sabay hawi sa kamay ko.
Sa tanong niyang yun, bigla akong napaisip. Oo nga noh? Bakit nga ba kasi ako nandito?!
"Ha? Ako? Siyempre andito ako kasi pinakiusapan ako ng mga kaibigan mo na... na pumunta dito.. tama... nakakaawa ka naman kung walang magbabantay sa'yo dito kaya yun..." - nasabi ko na lang..
"Tss.. I don't your help. Pati yang awa mo. So, you can leave now. Sorry for bothering you." - Yabang sabay talikod sa'kin at paakyat na ng kwarto niya...
"Teka..." - napatigil siya sa pag-akyat. "Ano na naman ba? Di ba ok na tayo kanina pa? Nandito lang naman ako para alagaan ka. Please.. wag ka ng stubborn.. ok?" - Ako
"Bakit ba kasi andito ka pa? Umalis ka na nga. I don't wanna see anyone." - Yabang tapos umakyat na.
Wala na 'kong nagawa.. hindi ko na siya nakausap. Pero hindi ako aalis.. Mahirap na.. baka kung ano pa ang mangyari dun. Ako pa sisihin nilang lahat. Bakit? Siyempre, ako naman talaga ang dahilan kung bakit siya may sakit ngayon. At ako ang magiging dahilan kung may masamang mangyayari dun. Ako yung pinagbilinan ng kaibigan eh.
Ang ginawa ko? Hinanap ko muna yung kitchen dito.. magluluro muna ako para sa kanya. Siyempre, baka hindi pa kumakain yun at gutom...
*after 20 minutes*
Tapos na ang niluto kong sopas!!! Sabi ni lola mas maganda daw pakainin sa taong may sakit ay yung mga pagkaing may sabaw.. Buti na lang kompleto yung ingredients para makaluto ako nito..
Umakyat ako sa kwarto niya. Nung nandun na ko sa pinto, hindi na ko nag-abalang kumatok. Baka kasi tulog.. Pero pagpihit ko sa doorknob, bukas na.. di niya pala ni-lock.. Buti naman..
"Uiie, kain ka muna." - Ako. Siya? Ayun.. nakahiga sa kama niya with a weak body.
"Bakit nandito ka pa? Di ba sabi ko sa'yo umalis ka na?" - Syia with a husky voice. Grabe!!! Boses pa lang ulam na!! WHAT? Angela!! Behave!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/1096750-288-k793509.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Cat and Mouse in Love! <333
RomanceNa-inlove ka na ba? Ano ba ang salitang LOVE? Sabi nila, ang love daw, masaya sa una. Pero pag tumatagal na, nagkakaroon na ng mga problema... Masama ba ang magkaroon ng problema sa isang relationship? Sa tingin ko naman, hindi eh. Kasi eto yung nag...