Chapter 14 - Maling Akala

129K 3.8K 103
                                    

Sophia's POV

"Ano ba kayo. Friends lang kami ni Kyle no. Di ba Kyle?" sinabi ko yun at tumango naman siya.

Nung tumango siya at nag-agree, parang may nafeel akong something. If it's good or bad? That's what I don't know. Friends. Friends naman talaga kami ha.  

Ano bang ineexpect ko? Ang umiling siya at sabihing nyang hindi? Hahaha. Come on Sophia. You've got to be kidding me.  

***

Nagkaklase na nga pala kami ngayon. Last subject na to before lunch. Turo lang ng turo ang teacher namin. Nakikinig din ako syempre. Di ko pa nga pala nasasabi sa inyong ako top 1 dito. Ganun talaga pag nag-aaral. :))

Natapos na rin magdiscuss si ma'am. Lunch na. Thank goodness. Gutom na talaga ako e.

Chineck ko muna phone ko bago ako tumayo. Nauna na rin si Therese, Jake at Kyle sa canteen. Sunod na lang kami.

"Waaa!! Beeeesssss!!"

"Ay halimaw. Ano ba yan Bes?! Bakit?! Ano nangyari?!"

"Ang cute nyang palawit mo sa phone. Akin na lang please." panghihingi ni Betina.

Ayun lang pala. Kala ko pa naman kung bakit sumisigaw to. Ang OA talaga ng babaeng to. Haha.

"Kala ko pa naman kung ano nangyari. Haha. E Bes. Bibili na lang kita kung gusto mo. Di ko kasi pwede ibigay to sayo."

Bakit di ko pwede ibigay? Kasi naman po, pinanalo ko to sa contest saka gusto ko talaga to.

"Hmp. Ang ganda nyang nasayo e. Pero sige. Bili mo ko ha?" tapos nagsmile siya at nagcling sa braso ko.

"Yes Bes. I pinky promise."

Suddenly It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon