Kyle's POV
Nakauwi na kami ni ate galing sa mall. Buong ride namin nakangiti lang siya. Ano nangyari dito? Sa bahay naman kanta lang siya ng kanta.
"Ate Chloe. Ayos ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Ang saya pala niya kasama no?" sabi niya sa akin.
"Si Kuya Sam?"
"Oo. Mabait naman pala siya."
"Sus. Kilig ka?"
"Huh? Di ah. Baka ikaw dyan."
"Oh, bakit nalipat sakin usapan?"
"Wag ka nga Kyle. Pero ang ganda ni Pia ha."
"Oo nga e. Ang bait pa. Saka ang talino at talented pa."
"Nililigawan mo ba siya?"
Huh?! Anong sinasabi nito? Ligaw ligaw daw.
"Di ah. Friends lang kami." pangshowbiz man na sagot pero yun yung totoo.
"Friends daw. Sus. Sige na nga. Sabi mo e."
Tapos iniwan na ako ni ate. Umakyat na lang ako sa kwarto at iniisip ang sinabi ng kapatid ko.
Friends? Ganun naman talaga kami ha. Ang daming nagsasabing bagay daw kami pero wala e, kaibigan lang. Walng talo talo ng kaibigan.
*1 message received*
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic
Novela JuvenilPaano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni torpe? An ordinary manhid-torpe story. (Completed)