"That was sweet of you Mr. Kyle. Expressing your feelings for someone in front of this crowd. And people, you may all calm down now." Nagtawanan lang ang audience sa malokong emcee na to. Pero di pa rin ako makaget over. Kinikilig ako e. Bakit ba? Haha.
"Now let's proceed to the winners. Our second runner up is Blah blah blah blah blah." Hala. Wala na. Wala na kong pag-asa. Natawag na sila except sa champion. Asa naman ako dun di ba?
"And the Coolbridge Academy singing champion is.. Ms. Sophia Aisha Garcia!!" Woah? For real? OH MY GOD!!
Nagpalakpakan ang tao at tilian na rin ang mga kakilala ko.
**
Kasama ko ngayon ang friends ko pati na rin sila kuya. Natapos na ang awardan pero di pa kami umuuwi. Nasa may isang resto kami at nagcecelebrate.
"Congratulations ulit Bes. Grabe. I'm so proud of you. Sabi ko kasi sayo ang ganda ng boses mo. Ikaw lang tong di naniniwala."
"Thanks Bes. Haha. Oo na."
"Ang galing mo nga talaga kanina kapatid. Dalang dala mo yung pagkanta. May pinagdadaanan ka ba nun? Hahahahaha." sinamaan ko lang ng tingin si Kuya Sam. Kahit kelan talaga ang daldal nito.
"Ay oo kaya. Tama ka dyan Kuya Sam. Nafeel mo rin pala yun. At saka parang nagcry ka kanina Bes. O baka namalikmata lang ako." gatong pa si Betina.
"Di ka namalikmata Bets. Nakita ko rin yun e. Medyo naiyak kanina si Pi. Hmm. Bakit kaya? Hahahaha." Waa. Ang sama nila. Pinagtutulungan nila ko.
"Oy oy oy. Ano sinasabi niyong tatlo dyan? OP na kaya kami dito." singit ni Ate Chloe.
"Oo nga. Ano ba yun?" isa pa si Jake.
"Sorry. Hindi namin pwedeng sabihin. Nagpromise kasi kami kay Pi." Thank you naman Therese. Nakakahiya kaya. Buti na lang.
"Pero ako di naman nagpromise kaya pwede ko namang sabihin. Hahaha. Tutal nagkaaminan na naman, lubusin na natin." Waaaa. I hate you Kuya Sam. Bat ba kasi nakwento ko pa dyan na nagselos din ako kay Kate. T_______T
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic
Teen FictionPaano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni torpe? An ordinary manhid-torpe story. (Completed)