"Kaya ko!!"
"Hindi!!"
"Kayaaaa!!"
"Hindi nga sabi!!"
"Paano pag nakaya ko?!"
"Paano kapag hindi?!"
"HOY! ANG INGAY NIYONG DALAWA!! MAY NANUNUOD DITO OH!!" sigaw ni Kuya Sam.
Nandito kasi kami samin ngayon. Kasama ang buong barkada pati sila Ate Chloe.
Ano ang pinagtatalunan namin? Ayun ay kung kaya bang taasan ni Kyle ang score ko sa kahit na 1 exam lang namin. Ang tamad kasi mag-aral. Kung di pa pilitin di pa mag-aaral e.
"Ikaw kasi. Ingay mo." bulong ko sa kanya.
"Ikaw kaya. Kulit mo kasi. Sabi ng kaya kitang taasan e."
"Paano mo ko tataasan e hindi ka naman nag-aaral? Ano yan, kokopya ka na naman kay Jake?"
"Kaya ko nga. Nakita mo naman dati nakapasa ako sa quiz natin sa Trigo." parang kinakamot pa niya yung baba niya. Yung mukhang nag-iisip pero nagyayabang lang.
"Paano may kapalit yun. At saka hindi natin pinag-uusapan kung papasa ka ba o hindi. Ang usapan dito ay kung matataasan mo ko o hindi." taas kilay kong sabi sa kanya.
"Kaya ko yun."
"Sige. Let's have a deal. Kapag nataasan mo ko kahit na anong gusto mo susundin ko. PERO.. kapag nataasan kita, ikaw ang susunod sa mga gusto ko."
"Deal."
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic
Fiksi RemajaPaano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni torpe? An ordinary manhid-torpe story. (Completed)