Sophia's POV
After 6 years..
Yes. Six years. Six years na ang nakalipas. Pero eto, kami pa rin ni Kyle. Tagal na no? Nakagraduate na kami ng highschool at college pero kami pa rin. Pero syempre sa six years na yun nag-aaway rin kami. May mga pagkakataon nga na parang gusto ko na sumuko at bumitaw sa relasyon namin. Pero kapag nararamdaman ko kung gaano ko siya kamahal, mas nananaig pa rin yung hope na maayos namin kung ano man problema namin.
Tama naman ang desisyon ko. Desisyon ko na palaging ipaglaban ang pagmamahalan namin. Kasi eto kami ngayon masaya.
Architect na nga pala ako. Si Kyle naman engineer na. O di ba? Perfect match lang.
Ang bestfriend ko namang si Betina, fashion designer na. Nasa US nga siya ngayon e. Kasama si Dave na businessman na. Oo, sila pa rin. Si Therese at si Jake naman, ayun going strong pa rin. Grabe lang no? Ang tagal na talaga nila. 8 years na ata. Chef na si Therese at si Jake naman ay engineer din tulad ni Kyle. At ang mabait kong Kuya Sam, kasal na kay Ate Chloe. May baby na nga sila e. 3 months old pa lang.
Actually, ngayon ang eksaktong pang third month ni Baby Aimuel kaya inimbita kami nila
Kuya Sam sa kanila. Sayang nga lang at di kami kumpleto. Wala kasi sila Betina at Dave.
"Hello cutie patootie." sabi ko habang nilalaro ang baby na karga ni Ate Chloe. Tawa naman ng tawa si baby.
"Tuwang tuwa talaga to sayo Pi."
"Syempre naman. Ako pa Ate Chloe. Haha."
"Oo na. Baka mamaya akalain niya ikaw ang mommy niya kesa sakin. Haha."
"Okay lang kung mangyari yun ate. Hahahaha."
"Aba at inagawan pa ko ng baby. Haha. Nga pala, asan si Kyle?"
"Ewan ko dun. Pagdating namin dito nawala na lang bigla. Sila Therese ba ate, di ko pa ata nakikita?"
"Baka ayan? Yung paparating na sasakyan?" natingin naman ako sa sasakyan na tinuro ni Ate Chloe. Sila Therese nga. Sabay sila syempre ni Jake.
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic
Teen FictionPaano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni torpe? An ordinary manhid-torpe story. (Completed)