Bell na. It means uwian na. Yehey!!!
"Guys, uwian na. Ano, celebrate na tayo?" pagyaya ni Jake.
"Celebrate ng alin?" Okay, clueless na naman ako.
"Duh Pi. Icecelebrate natin yang pagiging magcouple nyo ni Kyle." Aww shoot. Di ko pa nga pala nalilinaw sa kanila ang issue.
"Wait lang guys ha, pero kasi --"
"Walang pero pero Pi. We're going to celebrate na." Ang pilit naman ni Therese.
Tiningnan ko si Kyle. I gave him the tulungan-mo-naman-ako-dito look. Mukha namang nagets niya yun.
"Uhh, pero kasi di ba pupunta ang kapatid ko sa bahay nila Aisha at di pa yun alam ni Kuya Sam. Baka walang abutan si ate sa kanila kung aalis ngayon si Aisha." Oo nga pala. Pupunta pa si Ate Chloe para gumawa ng project nila. Si kuya kasi di mahagilap. Tss.
"Aww. Oo nga pala. Sige na nga. Pero next time ha?" sabi ni Therese.
Nakalabas na kami ng room at papunta nang parking. Nung nakarating na kami dun, nagpaalam na ako sa kanila. Papasok na sana ako ng kotse ng pinigilan ako ni Betina.
"Oh, bakit Bes?" I asked her.
"Nakakainis naman kayo. Dapat sabay kayo ni Kyle. Pahatid ka sa kanya." Ang demanding ni Bes.
"Wag na. Dati naman akong umuuwi na si manong lang kasama."
"Dati yun. Iba na ang case ngayon. You're together." Why so persistentr Bes? Haaay.
"Oo nga. Kyle hatid mo si Pii." order ni Jake.
"Hindi. Okay lang talaga. Kaya ko naman. Sige na. Umuwi na kayo."
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic
Подростковая литератураPaano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni torpe? An ordinary manhid-torpe story. (Completed)