Chapter 18 - Jeepney

113K 3.6K 225
                                    

Ano ba tong napasok ko? Parang gusto ko magback out na. Nandito kasi kami ngayon kila Betina at nag-aaral. Nakaikot kami sa sala at pareparehong may hawak na libro.  

    

Natingin ako kay Kyle at nakita kong iniintindi nga niya yung binabasa niya. Nakapalumbaba pa habang nagbabasa. Nako po. Ihahanda ko na sarili ko sa singing contest na yan. Pero matalino nga kaya si Kyle at sadyang tamad lang?

   

After ilang oras, natapos na rin kami mag-aral.

   

"Nice. Malinaw na sakin ang lesson natin. Salamat sa inyo." sabi ni Jake.

   

"Mukhang ready na tayo bukas. Pero ngayon mukhang dapat na muna tayo umuwi. Gabi na." sabi ko sa kanila.

   

Pumayag naman sila at naglalakad na kami papalabas kila Betina.

   

"Thanks Betina. Una na kami ha? Byeee sa inyo!" sabi ni Therese at nauna na nga sila ni  Jake.

   

"Kayong dalawa, asan na sundo nyo?" tanong ni Betina.

   

"Magcocommute muna ko ngayon. Pinauwi ko na si manong." sabi ni Kyle.

   

"E ikaw Bes?"

 

   

"Commute. Naflatan si manong. Wala naman si Kuya Sam. Out of town naman sila daddy."

 

   

"Sure ka Bes? Pahatid ko na lang kayo sa driver namin."

 

   

"Wag na Bes. Maiistorbo pa sila. Kaya ko na to."

 

   

"Pero delikado na. Gabi tapos babae ka pa."

 

   

"Ihahatid ko na lang siya." prisinta ni Kyle.

   

"Pero gabi na. Lalo kang malalate pauwi niyan." sabi ko.

   

"Okay lang. Tara na lang. Mauna na kami Betina. Thanks and bye."

Suddenly It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon