Kyle's POV
Sinubukan ko siyang habulin pero di na ko umabot. Hinanap ko siya sa kung saan saan pero di ko siya makita. Hanggang sa magbalak na ko tumigil at papunta na dapat ako pabalik ng room para balikan ang gamit ko.
Pero nadaan ako sa isang corridor. Wala ng tao sa school masyado pero sa corridor na nadaanan ko, may dalawang tao ang nakatayo at magkayakap. Babae at lalaki. Di ko na dapat papansinin at tutuloy na sana ako sa paglakad nang mapansin ko kung sino ang dalawang yun. Si Aisha at Jake.
Sh*t lang. Eto ako hanap ng hanap sa kanya kasi nakokonsensya ako sa mga sinabi ko tapos makikita ko lang siyang nakikipagyakapan kay Jake? Huh. Ngayon niya sabihin na di totoo lahat ng sinabi ko.
Hindi ko alam kung paano pero dinala ako ng paa ko papunta sa kanila. Napansin ata ako ni Jake kaya unti-unti na siyang bumitaw kay Aisha.
"Kyle?"
Pero di ko siya pinansin at nakatingin lang ako kay Aisha.
"Ngayon mo sabihing hindi totoo lahat ng sinabi ko?" ayan ang lumabas sa bibig ko. Nilalamon na naman ako ng selos.
Tulad ng di ko pagpansin kay Jake, di rin niya ako pinansin.
"Jake, mauna na ko sayo ha." sabi ni Aisha sabay takbo.
"Ano bang problema mo Kyle?!" sigaw sakin ni Jake.
"Di mo talaga alam ang problema?"
"Sa tingin mo ba magtatanong ako kung alam ko ang problema?!!! Bat ka ba ganyan?!"
"Naiinis ako. Nagagalit ako sayo. Sa inyo ni Aisha. Di nyo ba alam na nasasaktan nyo na si Therese? Galing mo lang e. Aisha ka na, Therese ka pa. Try mong isunod si Betina. Pero pre, bestfriend ko ang girlfriend mo at syempre ayokong saktan mo siya!!"
"T*ngina naman Kyle oh!! Bestfriend mo rin ako!! At sa tingin mo ba lolokohin ko si Therese?! Tingin mo ba ipagpapalit ko siya at sa kaibigan pa niya? Ganyan ba talaga tingin mo sakin?!!"
Wala akong maisagot sa sinabi niya. Hindi ganun ang tingin ko sa kanya. At nagagawa ko lang magreact ng ganto dahil sa selos na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic
Teen FictionPaano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni torpe? An ordinary manhid-torpe story. (Completed)