Chapter 16 - May Chance Pa

120K 3.5K 175
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas magbuhat ng mapagkamalan na kami ni Kyle. Nakokonsensya na nga ako kasi paniwalang paniwala yung tatlo na kami talaga.  

*** 

Wala na naman ang mga teacher namin ngayon kaya pakalat kalat lang kami. Si Therese at Jake naiwan sa room. Naglalambingan lang yun dun. Si Betina naman nasa canteen. Kasama yung manliligaw niya. Hay nako. Bagong lalaki na naman niya. Naiinggit daw siya kasi siya lang walang partner samin. Haaay Bes. Kung alam mo lang.  

   

Ako naman kasama si Kyle. Nasa may park ako ng school. Nakaupo lang kami sa bench. Wala rin masyadong tao sa lugar na to. Medyo malayo kasi. Pero maganda dito kaya nagpupunta ko.  

   

"Uy Kyle." tinawag ko sya. Tulala na kasi. May sarili ng mundo.

    

"Bakit?"

 

   

"Sabihin na natin na di talaga tayo."  

 

   

"Bakit naman?"

 

   

"Nakokonsensya ako. Nagsisinungaling kasi tayo."

   

"Edi wag tayo magsinungaling."

 

   

"Paano naman yan?"

 

   

"Totohanin na natin to." tapos tumingin lang siya sakin.

   

Ano raw? Totohanin na? Bfgf kami? Pagkasabi niya nun bilang bumilis tibok ng puso ko. 

   

"H-huh? T-totohanin na n-natin to?"

 

   

"....."

 

   

"Hahahahaahaha. Infairness dyan sa joke mo Kyle ha. Benta sakin. Hahahaha." Idadaan ko na lang sa tawa. Kung ano ano na kasi sinasabi niya.

   

"Haha. Masyado bang obvious na nagjojoke lang ako?" Aww. So joke nga lang talaga. Buti di ako nagpakadrama queen at nagsabi ng kung ano ano. Baliw talaga to. Haha.

Suddenly It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon