Sophia's POV
Months na rin ang nakalipas since manligaw sakin si Kyle. Ganun pa rin siya. Sweet pero syempre andun pa rin yung pagkamoody at suplado niya. Syempre di na ko magrereklamo kung minsan ay tinotopak siya. Siya na yun e.
Lunch namin ngayon at dating gawi, nasa canteen kami.
"Nakakainis talaga." bigla na lang nagmukmok si Betina. Kaya napatingin kaming apat sa kanya.
"Okay ka lang Bes? Ano problema?"
"Kayo kasi. May mga partner na kayo tapos ako wala. Ano role ko sa barkadahang to? Ako lang ang alone. T____T"
"Drama mo Betina. Haha. Wag ka mag-alala, nafifeel ko naman na dadating na yung hinihintay mo." sabi ni Therese sa kanya at hinawakan pa kamay ni Betina.
"Kahit naman dumating yun walang mangyayari. Si Bes nga ang type di ba?"
"Huh?! Sino yan?" hala. Sumabat na si Kyle.
"A-ah. He-he-he. Wala. Joke ko lang yun Kyle." kabado si Betina. Hahaha. Natakot kay Kyle. Pero halata sa mukha ni Kyle na medyo nabadtrip siya. Seloso to e. Hindi pa naman kami pero selos na siya. Pero syempre kinikilig ako pagnagseselos yan.
Pagkasabi ni Betina nun may lumapit sa table namin na lalaki. Napatingin namin kami sa kanya. Tapos tumingin yung lalaki sa akin.
"Uhh, Sophia, pwede ba makuha number mo?" sabi nung lalaki.
"Bakit mo kinukuha number niya?" tanong ni Jake.
"K-kasi ano. C-crush ko po kasi siya." Utal na sabi pa nung lalaki.
Narinig namin na may parang nagdabog. At tumayo naman si Kyle sabay alis. Medyo badtrip na nga pala si Kyle sa nasabi ni Betina tapos dumagdag pa tong lalaking nanghihingi ng number ko. >.<
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic
Teen FictionPaano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni torpe? An ordinary manhid-torpe story. (Completed)