Sophia’s POV.
2 weeks na ang nakakalipas since first day ng school. Nakakatuwa nga e. Kasi dati kami lang lagi ni Betina magkasama. Ngayon lima na kami. At wag kayo.. close kami ni Kyle. Makulit din naman pala yun kahit pano.
Kakapasok ko lang ng room. Wala pa yung apat kaya dinukdok ko muna yung mukha ko sa desk. Inaantok pa kasi ako. Iidlip muna ako tutal 6 pa lang naman.
Hello dreamland. Zzzzzzzzzzzzzzz.
Kyle’s POV
Andito na ako ngayon sa school. Pumasok ako ng room at iisa pa lang ang tao. Si Aisha pala ‘to e. Himala ata at napaaga siya. Kaya lang nakadukdok naman mukha niya sa desk niya. Natutulog ata.
Umupo na ako sa tabi niya. Nilagay ko muna yung earphone sa tenga ko. Mukhang medyo mamaya pa dadating mga tao e. Nakita kong gumalaw siya ng konti. Napatagilid yung mukha niya. Bale nakaharap na siya ngayon sa akin.
Tiningnan ko lang siya habang natutulog. Ang ganda talaga ng babaeng ‘to. Siya na ata ang pinakamagandang babae na nakita ko. Medyo gumalaw ulit siya at unti-unting binuksan yung mata niya.
Agad kong iniwas tingin ko at bumalik sa pagsasoundtrip. Baka mamaya mahalata pa niyang nakatingin ako sa kanya.
“Oh Kyle, andyan ka na pala.” Sinasabi niya yan habang kinukusot ang mata niya. Ang cute lang. :D
“Ah, oo e. Tulog ka kasi dyan kaya di na kita ginising.”
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating na yung ibang kaklase namin pati na rin yung tatlo. Natapos na ang flag ceremony at nagklase na naman. Ayun nga, mabilis lumipas ang oras. Second to the last subject na namin ngayon at sinabing wala raw kaming teacher hanggang sa last subject na. May meeting daw. Pero hindi pa kami pwede umuwi.
Nakatulala lang si Aisha. Nababagot na ata. Tinusok tusok ko tagiliran niya.
“Ay bakulaw ka!!” Hahahaha. Napakamagugulatin talaga nito.
“Hahaha. Bakulaw ka dyan. Hindi ako bakulaw.”
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic
Teen FictionPaano gagalaw ang lovestory ng dalawang tao kung si torpe, hindi maamin ang nararamdaman niya kay manhid, at si manhid, hindi maramdaman na mahal siya ni torpe? An ordinary manhid-torpe story. (Completed)